NASA P300-billion ang nakatakdang utangin ng pamahalaan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa susunod na taon, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Sinabi ni Dominguez na babayaran din ng gobyerno ang buong halaga ng outstanding P540-billion loan nito sa BSP ngayong linggo, bagama’t sa Enero 12, 2022 pa ang maturity date nito.
Ayon sa finance chief, ang mas maliit na loan ay senyales sa merkado “that we are on track with the unwinding of liquidity support on firmer evidence of return to economic strength.”
Ang pag-utang na nagsimula noong 2020 ay para magkaroon ng sapat na pondo ang pamahalaan habang mahina ang revenue generation at ‘unpredictable’ ang financial markets sa gitna ng pandemya.
“The extension of a new P300-billion provisional advances will ensure sufficient resources for the government to safeguard this promising but still fragile recovery,” ani Dominguez.
Ang bagong P300-billion loan ay zero interest, at may three-month maturity na may panibagong three-month extension.