NEGROS OCCIDENTAL – KALABOSO ang isang empleyado ng lokal na gobyerno at dalawang iba pa sa ikinasang buy bust operation sa lungsod noong Sabado.
Nabatid na nasamsam sa inaresto ang P150,000 halaga ng droga.
Timbog si alyas Megs na nagta-trabaho sa accounting office ng Provincial Capitol. Itinuturing siyang high-value target ng Bacolod Police Station 7.
Arestado rin ang dalawa pa niyang kasamahan sa nasabing buy bust.
Nakuha rin kay alyas Megs ang kalibre .45 na improvised firearm.
Tumangging magbigay ng pahayag ang tatlong suspek.
Mahaharap ang mga inaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. AIMEE ANOC
Comments are closed.