ILANG pasahero ng Grab ang nagpahayag ng pagkadismaya sa refund na ipinagkaloob ng kompanya dahil sa sobrang singil.
Inatasan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab noong Disyembre 18 na ibalik ang P14.15 million sa mga customer nito, bukod pa sa P5.05 million refund na nauna nitong inanunsiyo.
“Medyo disappointed ako kasi P34 lang ‘yung natanggap ko’ng refund, eh everyday naman ako nagga-Grab,” ayon sa isang pasahero.
Ayon sa Grab Philippines, ang mga pasahero na nag-book noong Pebrero hanggang Agosto ngayong taon ay makatatanggap ng refund.
Isasauli ng Grab ang P1 para sa bawat P1,200 total fares na ibinayad ng isang pasahero mula Pebrero 10 hanggang Mayo 10 ngayong taon.
Ibabalik din ng kompanya ang P1 para sa bawat P450 total fares ng mga pasahero mula Mayo 11 hanggang Agosto 10, 2019.
“Those select Grab riders who took a GrabCar ride in Metro Manila… may claim their disbursements through the GrabRewards Catalogue,” ayon sa statement ng Grab.
“Such passengers will have to fill in the information under the know-your-client (KYC) rules mandated by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).”
“Those who have completed the basic KYC process can directly redeem the amount which will be credited on their GrabPay Wallet accounts starting December 31, 2019,” sabi pa ng Grab.
Ang refund ay maaaring gamitin hanggang December 2022. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.