PINAG-AARALAN ng transport network company (TNC) Grab Philippines ang pagbabawas ng presyo ng kanilang pasahe dahil sa pagtaas ng demand sa paparating na Pasko.
Napansin ni Brian Cu, Grab Philippines’ country head, na mayroong cycle of higher demand tuwing Pasko. Sinabi niya na ang reinstatement ng P2-per-minute travel charge noong Setyembre 21 ay makapagpapaluwag sa kondisyon na sumasakop sa surge pricing.
Ang fare surge ng Grab fare ay naglalaro mula sa 1.4 times hanggang 1.6 beses, depende sa sitwasyon ng trapik at sa dami ng bookings na higit sa dami ng available Grab cars.
“With the P2 per minute rate reinstated, the cap for surge is at 1.6 times. In some days, the surge cap is 1.4 times to 1.5 times, to manage the expectation of our passengers. And this will continue all the way to the Christmas season,” sabi ni Cu.
“But there are two parts of surges: How much and how often? We will manage both sides by relaxing the surge parameters,” lahad ni Cu sa isang panayam sa paglulunsad ng TNC’s Safety Everyday Tech Roadmap.
Ang roadmap ay nagdadagdag ng seguridad ng Grab features para sa pasahero at drivers din.
Sinabi ni Cu na nangyayari ang surge pricing kapag ang Grab ay puwede lamang mag-allocate ng sasakyan hanggang 60 percent ng bookings.
“The natural condition of the market is that there is higher demand during Christmas season, and so we will relax the conditions so the fare does not increase immediately. For one, we can bring it from 60 percent to 50 percent or when it gets [even lower], down to an unacceptable level. That’s the time when the surge will kick in,” dagdag ni Cu.
Nanawagan si Grab Philippines Marketing head Cindy Toh sa publiko na tangkilikin ang Grab Share, ang carpooling ng TNC para sa mga pasahero na mag-share sa isang sasakyan.
“Especially this Christmas season, it will be better po if we can share our ride para mas maraming taong makasakay,” dagdag ni Toh.
Ang sasakyan ng Grab ay nasa 30,000 hanggang 35,000 cars, at sabi ni Cu na ang ideal ay 42,000.
Nilimitahan ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board kamakailan ang fleet limit para sa Grab ng10,000, pero ang dagdag na sasakyan ay hinihintay na maging operational.
Sinabi ni Cu na nakatatanggap ang Grab ng halos 550,000 booking request bawat araw, pero nakakapagproseso lamang sila ng 370,000 hanggang 400,000 na pagsakay bawat araw.
Comments are closed.