TECH-VOC course especially Contact Center Services (CCS) NC ll helped me to be more confident that I can do more even if I am an associ-ate graduate. It also helped me financially, and lastly, it helped me improve my overall well-being,” ito ang paglalahad ni Lovely Mae T. Glinogo, isang Medical Dental Nursing Assistant graduate at kasalukuyang trainor ng CCS NC ll sa isang technical vocational education and training (TVET) provider sa Dumaguete City at may hawak ng Mobile Training Programs na ipinatutupad mula sa iba’t ibang lugar sa buong lalawigan ng Negros Oriental.
Si Lovely ay taga-San Jose, Banilad, Dumaquete City, nagtapos ng kursong MDNA sa Negros Oriental State University (NORSU) Main – Dumaguete City noong 2015.
Inamin ni Lovely na hindi na niya nagamit sa trabaho ang kursong tinapos dahil tatlong buwan, pagkatapos ng kanilang graduation, naging “ESL (English as a secondary Language) instructor siya, sa private camp sa Boloc-boloc, Sibulan, Negros Oriental at nagpalipat-lipat mula iba’t ibang Eng-lish camp sa ilalim ng iba’t ibang Korean managers.
Hanggang tinawagan siya ng kanyang pinsan na dating kasamahan sa English camp at inalok ng trabaho sa People Skills Management Institute, Inc. (PSMI) isa sa mga TVET provider ng TESDA sa nasabing lugar. Dito nagtrabaho siya bilang administrative staff nang halos isang taon.
Sa kagustuhang makapagturo dahil sa kanyang naging exposure bilang ESL instructor, kumuha si Lovely ng Contact Center Services NC ll qualifi-cation sa PSMI habang nagtatrabaho at natapos niya ito noong Setyembre 05, 2016.
Pagkatapos ng training, siya ay naging junior instructor para sa CCS NC ll. Kasunod nito, kumuha si Lovely ng Trainers Methodology Level l training at naipagpatuloy nito ang kanyang teaching career para sa skills training.
Inamin ni Lovely na bagama’t gusto at pinili n’ya ang kursong tinapos na 2-year Associate MDNA, naging praktikal umano siya sa kanyang nag-ing desisyon na kumuha ng tech-voc upang madali siyang makakuha ng trabaho at matupad din ang kanyang hilig sa pagtuturo.
“Ako, established na sa work, kumukita na ako, at gustong-gusto ko ang ginagawa kong pagtuturo,” ani Lovely.
Kung mabibigyan siya ng pagkakataon at makaipon ng pondo, balak nitong ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo at kumuha ng Bachelor of Science in Education dahil gusto rin niyang makapasok sa Department of Education (DeEd) para makapagturo sa senior high school.
“TESDA indeed gave me a gateway to where I am now,” paghayag ni Lovely.