MAYNILA – DINAKIP ng awtoridad ang isang graduating student makaraan na mahulihan ito ng marijuana sa Light Rail Transit o (LRT-2) sa Legarda station.
Ayon kay Police Capt. Edwin Fuggan ng Sampaloc police station, nakita ng isang guwardiya ang marijua-na sa loob ng hair wax nito matapos dumaan sa X-ray machine na sumusuri sa mga bagahe papasok ng Le-garda station.
Tumanggi naman ang estudyante na magbigay ng pahayag tungkol sa pangyayaring ito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.