GRAND PARADE KAY MISS UNIVERSE PHILIPPINES CHELSEA ANNE MANALO

BULACAN- DINUMOG ng mga Bulakenyo ang homecoming ng Reyna La Bulakenya Ms.Chelsea Anne Manalo mula sa syudad ng Meycauayan.

Karangalan ,tagumpay at pag-asa, ang bitbit ng Bulakenya nang humarap ito kay Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alex Castro.

Una ng binigyan ng pagkilala ng Pamahalaang panlalawigan si Ms Chelsea bilang natatanging Bulakenya na nagbigay ng mataas na karangalan bukod pa ang pagtanggap nito ng mga trophy at parangal.

Ilang beses lumuha ang beauty queen habang nakaharap sa kanyang mga kababayan sa Capitol Ground.

Aniya, bagaman maraming pagsubok ang dumating sa kanyang buhay kung saan minsan na rin nya binalak na mag back-out subalit sa gabay ng panginoon at sa tulong ng probinsya naigapang niya ang timpalak ng pinakamagagandang dilag sa buong Pilipinas.

Kababaang loob ang naging puhunan ni Manalo at magandang halimbawa ng kababaihan lalo na sa pagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan.

Kasabay nito, umapela ang pamahalaang panlalawigan sa mga Bulakenyos na magbayanihan sa darating na Nobyembre sa laban ni Ms Chelsea na gaganapin sa Mexico ang Miss Universe 2024. THONY ARCENAL