MAYNILA – PINAIGTING ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagiging epektibo ng grievance machinery para sa mapayapang pagsasaayos ng hindi pagkakaunawaan sa lugar na paggawa at ang pagpapatibay ng relasyon sa pagitan ng manggagawa at mamumuhunan.
Sa ulat ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB), sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang “Grievance machinery ay isang sistematikong pamamaraan para sa mapayapang pag-resolba ng di-pagkakaunawaan sa paggawa. Ito ay nag-sisilbing daan ng komunikasyon para sa mga partido, at nagbibigay oportunidad para sa manggagawa upang ipahayag ang kanilang mga alalahanin.”
Ayon sa NCMB, sa kasalukuyang 3,820 grievance machinery sa buong bansa, 3,707 o 97 porsiyento ang walang naitalang kaso ng Actual Strike/Lockouts, Notices of Strike/Lockout, at Preventive Mediation o Voluntary Arbitration mula Enero 2018.
Nilalayon ng grievance machinery ang maayos na dayalogo sa pagitan ng manggagawa at mamumuhunan bilang isang paraan upang mapanatili ang kaayusan sa industriya.
Sa ilalim ng alternative dispute settlement mechanism, ang bawat empleyado ay may oportunidad na marinig upang tugunan ang kanilang mga reklamo na nakaaapekto sa moral ng empleyado at nakababawas sa kanilang pagiging produktibo sa trabaho.
Sa ilalim ng Article 260 ng Labor Code, kinakailangang magtatag ang partido ng grievance machinery para sa pagresolba ng mga reklamo na nagmumula sa interpretasyon o implementasyon ng collective bargaining agreement o ang interpretasyon o pagpapatupad ng company personnel policy.
Nitong Hunyo 30, 2018, pinalakas ng DOLE ang operasyon ng 1,177 GM sa buong bansa.
Pinalakas din ng labor department ang operasyon ng Labor Management Cooperation sa mga kom-panya sa pamamagitan ng convergence program ng National Wages and Productivity Commission, Oc-cupational Safety and Health Center, Employees’ Compensation Commission, at Bureau of Workers with Special Concerns. PAUL ROLDAN
Comments are closed.