GRO ‘TAGUMPAY’ SA IKALAWANG SUICIDE

suicide

ISABELA-HINDI na napigilan pa ang pagpapakamatay ng isang 21-anyos na dalaga nang magbigti ito sa loob ng palikuran na kaniyang pinapasukang videoke bar sa San Fermin, Cauayan City.

Kinilala ang biktima na si alyas Eli, 21-anyos, at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa employer ng biktima na si Shirley Demdam,  may-ari ng Love in Yellow videoke bar nakita nila ang katawan ng biktima na nakabitin sa kanilang comfort room gamit ang nylon cord

Agad dinala sa Cauayan District Hospital ang biktima ngunit idenaklarang dead on arrival ng kanyang attending physician

Nauna rito ayon sa imbistigasyon ng PNP Cauayan ay nag- attempt na rin na maglasalas sa kaliwang kamay ang biktima gamit ang blade ngunit agad naagapan at nalapatan ng lunas ng kanilang mga kasamahan sa trabaho

Ipinagbigay-alam naman ni Shirley sa ina na biktima at naniwala naman ang ina na nag-suicide nga ang kanyang anak. IRENE GONZALES

Comments are closed.