BALIK na sa puwesto si Teofilo Guadiz III bilang chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito’y makaraang alisin ng Malacañang ang suspensiyon kay Guadiz matapos bawiin ni dating LTFRB aide Jefferson Tumbado ang mga paratang ng katiwalian laban sa opisyal.
“The Office of the President lifted the suspension order imposed upon LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III after Jefferson Gallos Tumbado, who appears to be the sole witness in his case, executed an Affidavit of Recantation withdrawing his statements and allegations against him,” pahayag ng Office of the Executive Secretary (OES)
“As such there stands no reason to place Chairperson Guadiz under preventive suspension unless a supervening event maintaining the same accusations against him are put forth before the OP,” dagdag pa nito.
Inaasahang babalik na sa trabaho si Guadiz ngayong Lunes, Nobyembre 6.
Matatandaang inakusahan ni Tumbado si Guadiz at ang ilang hindi pinangalanang transport at Malacanang officials ng pagtanggap ng malaking halaga kapalit ng prangkisa, ruta at iba pang mga dokumento mula sa ahensiya, na kalauna’y binawi rin niya at humingi ng tawad.