(Guesting sa Magpakailanman purnada) MAINE MENDOZA INAMING ‘DI KAYANG MAG-DRAMA

FOR the first time maggi-guest na rin si Maine Mendoza sa drama anthology na showbiz eye“Magpakailanman” na hosted ni Ms. Mel Tiangco.  Almost five years na si Maine sa showbiz, at may offers na sa kanya para mag-guest doon, pero bakit laging tumatanggi si Maine?

“Hindi po kasi ako talaga sanay na mag-drama, eh, puro dramatic episodes ang napapanood ko every Saturday,” nakangiting sagot ni Maine. “Nga-yon po na may pagka-comedy ang story, pumayag na po akong mag-guest, nang muli silang nag-offer.”

Bukod sa regular sitcom nila ni Bossing Vic Sotto na “Daddy’s Gurl,” ilang beses na ring nag-guest si Maine sa fantasy series na “Daig Kayo ng Lola Ko” na madalas comedy or action comedy ang tema ng story.

Kaya nag-first taping na si Maine, with leading man Ruru Madrid kahapon sa Lakeshore Park sa Angono, Rizal at sa St. Clement Parish Church doon.  Madalas na ring mai-guest si Ruru sa “Daddy’s Gurl.” Aba­ngan kung ano ang story nina Maine at Ruru sa “Magpakailanman” na mapapanood na this February.  May isa pa silang taping day ngayong Monday, January 27, under the direction of Jorron Lee Monroy.

MIGO ADECER PAGOD NANG MAGTAGO, IPINAKILALA NA ANG GF

StarStruck 6 Ultimate Male winner in 2015, Migo Adecer and his non-showbiz girlfriend, Katrina Mercado, celebrated their first anniversary as sweethearts last Wednesday, January 22, 2020.

Sa mediacon ng bagong teleserye ni Migo, ang “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday,” natanong si Migo bakit naging open na siyang ipakilala ang kanyang girlfriend?  Dati kasi kapag tinanong mo siya kung may gf na siya, sasabihin niya wala pa.  But last year, 2019, ipinakilala na niya sa kanyang Instagram post ang photo nila ni Katrina, iyon ay pagkatapos niyang gawin ang epic serye nilang “Sahaya” with Bianca Umali at Miguel Tanfelix na sabi ay nanliligaw raw siya kay Bianca?

“Pagod na akong magtago,” nakangiting sagot ni Migo.  “Dati kasi binabawalan ako, pero mas mabuti na wala akong itinatago, kaya ipinakilala ko na si Kat.  Doon ako masaya, hindi siya sanay na magulo.”

Sa bagong teleserye, dalawa ang leading ladies ni Migo, sina Barbie Forteza at Kate Valdez.

“Nagulat nga ako nang malaman kong isa sa magiging partner ko si Barbie.  Hindi ko kasi siya kilala personally, ‘hi!’ ‘hello’ lamang kami kung magbatian.  Si Kate, nakakasama ko na sa “Studio 7” last year, kaya kilala ko na siya. Looking forward working with Barbie, I will work with new friends.  Here, I will play the role of Cocoy, a charming city boy na mami-meet nina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate).”

Last year, nagkaroon ng hindi magandang experience si Migo, ano ang itinuro sa kanya noon?

“Siguro, noon nabuo ang maturity ko, kaya I learn, repeat, I learn from my experience, at hindi ko na uulitin iyon.”

Bukod sa “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday,” na magsisimula na ngayong Lunes, January 27, after “24 Oras” sa prime-time telebabad, mapanonood din si Migo every Sunday sa noontime show na “All-Out Sundays,” at 12:00 noon to 2:30 pm.

Comments are closed.