HALOS matulala si Ginang Maribeth Flores nang ipag-utos ng pamahalaan na bawal munang lumabas noong Marso 15, 2020.
Ito ay dahil sa idineklara ang enhance community quarantine sa Filipinas bunsod ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 noon habang sa mga panahong iyon ay limitado ang testing kit at wala pa ring maisip na gamot para sa naturang virus na kumitil na ng milyon-milyon.
Unang pumasok sa isipang ni Maribeth, paano na ang kanilang panggastos at hindi naman maaaring umasa lang sa ayuda dahil may mga personal din silang pangangailangan bukod sa pagkain gaya ng mga bayarin.
Kaya naman nakaisip ng paraan si Maribeth paano magpapatuloy ang kanilang buhay.
Sa ngayon ay mahigit sa isang taon na simula na lumaganap ang nakamamatay na coronavirus COVID-19 makikita ang isang kolong-kolong na may mga lulan na gulay na inilalako ng mag-asawa.
Tuwing sisikat na ang araw ay makikita sa mga barangay road ng Barangay Old Centro si ginang Maribeth Flores kasama ang asawa na regular naglalako na bukod sa gulay ay may meryenda pang dala-dala na karagdagan pang income at tulong upang malampasan ang pandemic na ating nararanasan.
Sa panayam ng PILIPINO Mirror kay Maribeth, sa tuwing umaga oras ng alas-5 ay bumabangon na silang mag-asawa at nagtutungo sa palengke ng naturang bayan upang mamili ng kanilang paninda na siya nilang ilalako sa kanilang barangay Old Centro.
Sa araw-araw na pagro-rolling nilang mag-asawa lulan ng kolong-kolong na may iba’t ibang klase ng gulay ay sapat na umano para sa kanilang pamilya na kung saan ay may tatlo silang anak dalawa sa kolehiyo at isang Grade 8, na sa mahabang panahon ng bakasyon ay siya nilang katuwang. Ang tatlong nilang anak ang nag-aasikaso ng bahay habang sila ay naglalako ng kanilang mga paninda.
Sinabi pa ni Ginang Flores sa simula nang i-lockdown ang buong Luzon dahilan sa COVID-19 at nawalan ng trabaho ang kanyang mister ay doon na sila nag-simula na maglako ng mga gulay at meryenda na malaking tulong sa kanilang pang araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya.
Na bagaman hindi naman umano kalakihan ang kanilang tubo sa paglalako ay nairaraos naman nila ang mga gastusin.
“Unang-una huwag tayong makalilimot sa ating Panginoong Diyos na sa araw-araw ay siyang gunagabay sa atin,” ang mantra ni Ginang Flores kaya sila ay nakararaos kahit pa pandemya. IRENE GONZALES
648023 242195brilliantly insightful post. If only it was as effortless to implement some of the solutions as it was to read and nod my head at each of your points 430757
20819 903965Ive just been talking to Sean Gallagher about his upcoming Instant Income Cash Machine course, and hes been kind enough to fill me in on several details regarding his upcoming course. 238933
261223 909504for yet an additional fantastic informative post, Im a loyal reader to this blog and I cant stress enough how much valuable details Ive learned from reading your content. I really appreciate all of the hard function you put into this great weblog. 155987
202409 260856Im so pleased to read this. This really is the kind of manual that needs to be given and not the accidental misinformation thats at the other blogs. Appreciate your sharing this very best doc. 271574