QUEZON – PINASALAMATAN ng mga magsasaka sa lalawigang ito ang Philippine Army 2nd Infantry Division sa pamumuno ni Mgen Arnulfo Marcelo Burgos dahil sa kakaibang serbisyo para sa frontliners ng mga hospital at mga naka-deploy sa mga checkpoint.
Ito ay makarang mamahagi ang mga sundalo ng aabot sa mahigit tatlong toneladang sariwa at bagong aning gulay sa kasagsagan ng umiiral na Luzon wide enhanced community quarantine.
Pinuri rin ng mga magsasaka sa Quezon sa pamumuno ni Maristela Abad ang 2nd Infantry Division sa pangunguna ni Burgos na nakipag-ugnayan sa Queensland Sunshine Mission Incorporated na siyang nagbayad sa mga inaning gulay.
Ang pamamahagi ng mga gulay ay pinangunahan ng mga tropa mula sa 1st Infantry Battalion sa bayan ng Lucban at Tayabas sa lalawigan ng Quezon.
Nabatid na ang mga nasabing gulay na kinabibilangan ng sayote, pechay, Chinese spinach, talbos ng kamote, labanos at sitaw ay mula sa sakahan ng Lucban Farmers and Growers Association sa bayan ng Lucban. VERLIN RUIZ
Comments are closed.