BULACAN-DEAD on the spot ang isang guro makaraang barilin ng live-in partner na sundalo habang nagtuturo sa Tambubong Elementary school alas-9:00 ng umaga sa bayan ng Bocaue.
Sa report na ipinadala ni PNP provincial Director, Sr. Supt. Chito Bersaluna kay PNP Regional Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang guro na si Melody Esber, 33-anyos, ng Brgy. Taal.
Namatay noon din ang live-in partner nito na si Sgt. Ruperto Datwin, 40-anyos, may asawa, aktibong miyembro ng Philippine Army, residente ng AFP/PNP Housing sa Brgy. Batia habang nasa ligtas nang kalagayan ang 9-anyos na estudyante na si alyas Raine na nadamay ng bala.
Base sa report ng mga pulis nakuha sa ibabaw ng lamesa ng guro, ang isang sulat na dala ng suspek na “the fall is destiny” at hindi umano nito kaya ang pakikipag-break ng guro.
Dito na umalingawngaw ang magkasunod na putok ng baril kung saan unang pinaputukan ang biktima, bago nagbaril sa ulo, at aksidenteng tinamaan ng ligaw na bala ng cal.45 ang estudyante. THONY ARCENAL