‘Gusto ko pang mabuhay’ – Kris Aquino

KINUMPIRMA  ni Kris Aquino na high risk ang kanyang sakit, at maaaring noong February 14 na nagdaan ang kanyang magiging last birthday, kaya kahit paano ay ipagdiriwang niya ito kasama ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Sina Joshua at Bimby umano ang katuparan ng kanyang mga pangarap kaya nagpapasalamat siya sa Diyos na ibinigay sa kanya ang kanyang mga anak.

Pwede umano siyang atakihin sa puso anumang oras na magiging sanhi ng kanyang kamatayan, at tanggap niya kung mangyayari yon, pero kung pagbibigyan pa siya ng Diyos ay gusto pa niyang mabuhay.

Napakabata pa raw kasi ni Bimby para mapag-isa, at alam naman nating si Joshua ay kailangang alagaan kahit nasa tamang gulang na ito.

Sa kabila ng lahat, kung ito na nga ang last birthday niya, gusto umano niyang magpasalamat sa lahat lalo na sa kanyang dalawang anak na nagbigay sa kanya ng pagkakataong maging ina.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang mga kapatid, mga kaanak at kaibigang nakasama niya sa kanyang paglaki, pati na sa mga taong nagdarasal para sa kanya.

Sa pagtatapos ng kanyang post, sinabi niyang “I still want to live, i know the odds are against me- dahil ang puso hindi pwedeng diktahan pero sana sa tulong ng dasal nyo mabigyan pa ko ng konting extension.NLVN