SA LOOB ng Miriam College campus sa Quezon City ay matatagpuan ang ILAW Center.
Ang kahulugan ng ILAW ay Integrative Lifestyle and Well-being. Ito ay isang sentro na tumutulong magbigay ng ginhawa at alagang pangkalusugan ng isip hindi lamang sa miyembro ng komunidad sa Miriam College kundi pati na rin sa mga kliyenteng mula sa labas nito. Tamang-tama ang mga serbisyo ng ILAW Center para sa mga taga-Quezon City at karatig na mga lugar.
Para sa buwan ng Abril, narito ang kanilang iskedyul ng mga klase o session sa yoga, zumba, tai chi, acupuncture, massage, at buong araw na pagbabahagi ng mga pagkaing mabuti sa ating kalusugan.
Ang Yoga ay sa April 10, Wednesday, 5:00 p.m. at sa April 18, Thursday, 4:00 p.m. Ang Zumba naman ay sa April 5, Friday, 5:00 p.m. at April 19, Friday. Ang Tai Chi class ay sa April 15, 4:00 p.m., at ang Healthy Food Trip ay naka-schedule sa April 17, Wednesday, mula 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. Dito ay maaaring makabili ng masasarap, mura, at masustansiyang pagkain. Ang serbisyong Acupuncture at Massage ng ILAW Center ay by-appointment.
Kung nais magpa-register o magtanong, maaaring makipag-ugnayan sa ILAW Center sa pamamagitan ng email ([email protected]) o telepono (8930 6272 local 1134). Pwede ring bisitahin ang kanilang Facebook page sa https://www.facebook.com/ILAWCenter para sa mga karagdagang anunsyo tungkol sa iba pang programa at kaganapan dito.