HABANG PAPALAPIT ANG PASKO, PRESYO NG BILIHIN SUMIRIT

Steve Cua

BAGAMA’T patuloy ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ay tumaas ang presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan sa buong kapulu-an.

Sa pagtaya ng ­Philippine Amalgamated Supermarkets Association, tumaas  ng P0.25 hanggang P3 ang ­presyo ng ­ilang produkto sa mga pamilihan habang papalapit ang Pasko.

Ayon kay PASA president Steven Cua, ang price adjustments ay naitala sa ilang brand ng toyo, suka, food seasoning, palaman sa tinapay, processed meat, junk food, diaper at ba­terya.

Paliwanag ni Cua, marami pang pagtaas ng presyo ang magaganap sa pagpasok ng buwan ng Disyembre, kung kailan ang karamihan sa mga pamilyang Filipino ay inaasahang gugugol ng malaki bilang bahagi ng tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Gayunman, tiniyak ng nasabing grupo na walang gaanong pagbabago sa presyo ng mga produktong pang-Noche Buena dahil marami pang supply sa mga pamilihan.

Magmamahal lang umano ito kapag kumaunti na ang supply habang papalapit ang Pasko. FERNAN ANGELES