HINILING ng local government ng Maguindanao na imbestigahan ang serye ng karahasan sa nasabing lalawigan habang papalapit ang promulugasyon ng Maguindanao Massacre kasunod ng pagpatay sa isang barangay chairman na sinundan ng pamamaril sa dalawang government employee makalipas lamang ang ilang oras.
Mismong si Maguindanao 2nd District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu ang nagtataka sa kaniyang kababayan ang napakomento na: “Oh! what happened to our constituents?”
Sa ulat ng pulisya, isang supporter nina Cong. Toto Mangudadatu na kinilalang si dating Barangay Chairman Basit Taguigaya ng Saidona Municipality ang binaril at napatay kamakalawa sa harap mismo ng Cotabato City Hall.
Aminado si Mangudadatu na kaalayado nila ang biktima at ito ang nakatakda niyang kasama sa promulgation para sa final verdict ng Maguindanao Massacre at katunayan ay ibinili na niya ito ng plane ticket.
Nabatid na makalipas ang ilang oras dalawa na namang supporter ng kongresista ang pinagbabaril kabilang dito ang kanyang campaign leader na kinilalang si Jerric Kuit at ang asawa nitong si Roshell Kuit kasalukuyang treasurer ng Ampatuan Municipality.
Inambus ang dalawa ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan sa national highway ng Bagan, Saidona habang papauwi sa kanilang bayan sa Ampatuan mula Cotabato City.
Kapwa nasa kritikal na kalagayan ang dalawa matapos ang pananambang kung saan binaril si Shariff Aguak Vice Mayor Akmad Ampatuan.
Sa Enero 2020 ay maraming umaasa sa guilty verdict na ibababa ng korte sa may 10 taong Ampatuan massacre na kumitil sa 58 katao kabilang dito ang 32 miyembro ng media. VERLIN RUIZ
Comments are closed.