‘HABULIN COPS’ ISASAILALIM SA RESTORATIVE TRAINING

Pulis

CAMP CRAME – PRAYORIDAD din ng Philippine National Police (PNP) na isailalim sa restorative training sa pamamagitan ng squadding system ang mga pulis na inireklamo ng kanilang hiniwala­yang asawa at kabit dahil sa hindi pag-susustento.

Ayon kay PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde, sa pamamagitan ng res­torative training ay mababago ang pananaw ng mga pulis na ito dahil mapapaalalahanan  sila ng kahalagahan ng pamilya at matututunan nilang magkaroon ng takot sa Diyos.

Kapag aniya kasi nagkaroon ng ibang pamilya ang isang pulis madadagdagan rin ang kanyang buhuhaying mga anak at kung kulang ang kanyang kinikita dito na nasasangkot sa korapsiyon o anumang katiwalian ang isang pulis.

Batay sa rekord ng Women and Children protection Center (WCPC) ay 301 ang naitalang reklamo ng “economic abuse” laban sa mga pulis noong 2018.

Mas mataas ito ng 40 porsiyento sa 215 kaso noong 2017, bago dumoble ang sahod ng mga pulis.

Samantala, ang squadding system ng PNP ay bago nilang konsepto para sa kanilang Internal Cleansing Program.

Kung saan bawat squad ay mayroong anim hanggang walong mi­yembro, ang squad lider ang magsisilbing tagapayo ng mga miyembro. REA SARMIENTO