PAHINGA na nga talaga sa showbiz ang maybahay ni Mark Lapid na si Tanya Garcia na dating Kapuso star. Mas type ni Tanya na maging housewife at mother of 3 kids at businesswoman kung saan ‘yung Alcutraz Hair Studio na pag-aari nito sa Metrowalk Pasig ay going 10 years na.
Taong 2010 nang buksan niya ito at talaga raw pinaghandaan ng former actress ang beauty business niyang ito. “It’s something new kasi,” sagot ni Tanya kung bakit siya nagtayo ng ganitong business. “Hindi lang siya salon, it’s more on hair care treatment clinic siya na nasa salon. Meron kaming mga experts talaga na ‘yun ang linya nila. Hindi kagaya sa ibang salon na marunong lang gumupit, stylist na, pero hindi nati-treat ang hair,” sey pa ni Tanya na nagtapos sa ACHBD, short for Australian College of Hair and Beauty Design as an Australian-based hair and beauty institute that follows a modern curriculum in hair and makeup design and in overall salon operations.
“I believe that in putting up in any business venture, it’s important to have the necessary knowledge and skills. That will ensure the success of the business. And since I want to put up a beauty business, I decided to take up courses in Salon Management and Make Up Artistry course with this prestigious Australian college,” proud pang sabi ng dating partner ni Dingdong Dantes sa Sana Ay Ikaw Na Nga.
Sa kanilang 40th anniversary
EAT BULAGA AT BRIA MAMIMIGAY NG BRAND NEW HOUSE AND LOT
NGAYONG July ay umpisa na ang one month long celebration ng Eat Bulaga para sa kanilang 40th anniversary sa television.
Katuwang nila ang BRIA HOMES ay umpisa na rin ang pamimigay ng programa ng malalaking papremyo tulad ng brand new house and lot na worth millions. Kaya Dabarkads mula Batanes hanggang Jolo, dalawa sa inyo ang may chance na mabago ang buhay sa pamamagitan ng bagong bagong bahay at lote na puwede ninyong mapanalunan!
Para makasali at manalo, abangan at i-comment ang tamang sagot + code na lalabas sa inyong TV screens. TANDAAN: Dito lang po kayo mag- comment. Magiging invalid ang inyong comment sa ibang comment box.
STAR CINEMA ADPROM MANAGER MICO DEL ROSARIO NAG-POWER TRIPPING
MATAGAL na panahon na kaming minamaliit ng ADPROM Manager ng Star Cinema na si Mico del Rosario. Baka ang gusto niya ay katulad niyang Inglesera, kaya mababa ang tingin niya kapag hindi elitista.
Ang punto namin tuwing may imbitasyon kami sa kanilang movie outfit ay nakakapag-deliver kami. Minahal ko ng buong puso ang Star Cinema na ipinagsisigawan kong number one movie outfit. Kasehodang mawalan ako ng career sa Viva Films in favor of them nang pitikin ko ang JaDine movie.
Pero anong napala ko sa pagtatanggol ko sa Star Cinema? Hayun, inilaglag na ako ni Mico sa listahan ng kanyang invited press. Paano, ang hilig makinig sa sulsol ng kanyang mga insecure na staff na walang ginawa kundi ang siraan kami. Well, hindi naman natutulog ang Diyos, Mico. It’s your prerogative kung sino ang gusto at ayaw ninyong imbitahan pero, dapat ay maging objective kayo lalo’t kahit paano ay nakatulong naman siguro ako sa mga proyekto niyo. Power tripping ka ba, at itinatapon mo na ako sa basurahan?
Samantala, alam ni Mr. Roxy Liquigan na BFF ni del Rosario na dati’y very sweet sa amin ang usaping ito pero deadma lamang siya.
Comments are closed.