BUMAGSAK ang Philippine peso sa bagong historic low kontra US dollar nitong Biyernes.
Ang local currency ay nabawasan ng 1 centavo para magtapos sa panibagong all-time low na P58.5:$1 mula sa P58.49:$1 noong Huwebes.
Ang pagsasara nitong Biyernes ang ika-4 na sunod na araw na sumadsad ang piso sa record lows.
Ito rin ang ika-10 record-low para sa Philippine peso-US dollar exchange rate.
Ang mga naunang record-lows ay noong September 2 (P56.77:$1), September 5 (P56.999:$1), September 6 (P57.00:$1), September 8 (P57.18:$1), September 16 (P57.43:$1), September 20 (P57.48:$1), September 21 (P58$1), at September 22 (58.49:$1).
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort, ang piso ay bumulusok kontra US dollar makaraang ipahiwatig kamakailan ng US Federal Reserve ang panibagong +0.75 rate hike sa November 2, 2022.
“As the US Federal Reserve aggressively hikes interest rates, the attractiveness of the American currency also increases due to higher interest rate income on US dollar deposits/fixed income investments/securities,” paliwanag ni Ricafort.