HALAL INDUSTRY PALALAKASIN

HALAL-3.jpg

PORMAL na idinaos kahapon ng Department of Science and Technology (DOST) ang World Halal Assembly Philippines 2019 na may temang ‘Innovation for a Sustainable Halal Ecosystem’ sa Edsa Shangri-La Hotel, Mandaluyong City.

Nakatuon ang naturang programa sa iba’t ibang pambihirang tagumpay ng pagnene­gosyo ng mga produktong Halal o mga pagkain ng mga kapatid na Muslim at kung paano ito mapalalakas hindi lamang sa bansa kundi maging sa pandaigdigang merkado.

Sa pagpapatuloy ng programa, tinalakay ang pagpapalakas at pagpapatibay ng Halal kaugnay ng mga research and development at innovative technologies para sa mga bagong produkto, gayundin ang importansiya at hamon ng pagnene­gosyo nito.

Tinalakay rin sa pagsisimula ng programa ang pag-angat ng Halal industry at mga oportunidad, technology innovations sa poul-try industry, Halal slaughtering at maging ang inobasyon hinggil sa Islamic banking at financing support para tuloy-tuloy ang kabuhayan patungkol sa industriya ng Halal.

Pinakaaabangan naman sa nabanggit na okasyon ang pag­lulunsad ng Philippine National Halal Laboratory and Science Center at International Confe­rence na dinaluhan ng mga ­ekspertong speakers mula sa International Halal Community.

Ilan sa mga speaker na dumalo ay sina Dr. Syed Ghulam, Musharaaf, professor ng Research Institute of Chemistry, Internation-al Center for Chemical and Biological Sciences mula sa Malaysia; Dr. Winai Dahlan, founding director ng The Halal Science Center sa Thailand; Dr. Hamed Lateef, CEO ng Fah­­m-ul-Halal at TTL Testing Laboratories sa Pakistan.

Dinaluhan din ang natu­rang programa ng mga lider ng Muslim katulad nina Dr. Hadja Sittie Shayma Zenaida P. Hadji Raof Laidan, chairperson ng World Halal Assembly Philippines 2019 at siya ring Regional Director ng DOST Region 7; at Hon. Sa-idamen Balt Pangaru­ngan, minister/secretary ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Phils. BENEDICT ABAYGAR, JR.