HALAL INDUSTRY PALALAKASIN

DTI-LOGO-3

KINIKILALA ang kahalagahan ng pagpapaunlad sa halal industry sa paghahabol sa masiglang paglago ng ekonomiya, binigyang-diin ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual ang mga inisyatiba ng ahensiya sa pagsusulong ng bilateral at multilateral agreements na nakahanay sa export development goals nito.

Ginawa ni Pascual ang pahayag sa National Halal Capacity Building Program ng Philippine Trade Training Center – Global MSME Academy (PTTC-GMEA) na idinaos noong April 18, 2023.

Sa kanyang keynote speech, ibinahagi niya na, “For our outbound business matching missions, we have organized the Special Trade Missions in time for the Gulfood exhibit in Dubai, and our participation in the upcoming Malaysia International Halal Showcase. For our inbound business matching missions, we also have built the Halal Pavilion in preparation for the upcoming International Food Expo this May 26-28, 2023 in the Philippines.”

Ang programa ng PTTC-GMEA na may temang “Global Halal Excellence: Upskilling, Reskilling, and Converging Halal Capability Building” ay nagkaloob ng training at upskilling para sa mga attendee hinggil sa iba’t ibang halal-related technical knowledge, na nakahanay sa isa sa mga prayoridad ng DTI — ang pagbibigay ng kasanayan sa Filipino workers.

“We see halal food as a sunrise industry. The growing Muslim population is a strong demand driver of the halal economy. Estimated at 1.9 billion in 2020, Muslims are 25% of the world’s population and projected to grow up to 2 billion by 2030,” paliwanag ni Pascual.