HALOS dalawang milyong kasapi ng Simbahang Katolika ang sumaksi at nakibahagi sa Pista ng Itim na Nazareno.
Una nang tiniyak ni PNP-National Capital Region Police Office chief, Director Guillermo Eleazar na magtatagumpay sila para masekyur ang okasyon.
Hiniling din ni Eleazar ang kooperasyon ng mga deboto para mapanatiling maayos ang traslacion hanggang sa ito ay matapos na posibleng tumagal ng 20 oras.
Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), alas-10:00 ng umaga, nasa 1,030,000 na ang bilang ng mga deboto habang pasado alas-3 ng hapon ay umabot na sa 829 ang humingi ng atensiyong medikal.
Marami ring deboto ang nag-aabang sa mga rutang daraanan ng andas at saka na lamang sasama kapag sumapit na doon ang prusisyon.
Nagpasalamat din ang pulisya sa pamumuno ni PNP Chief, DG Oscar Albayalde sa publiko na nakaunawa kung bakit isinara ang mga kalsada. VERLIN RUIZ
Comments are closed.