TARGET ng Department of Transportation (DOTr) na palawakin pa ang bike lane network sa buong bansa ng 470 kilometers ngayong 2023.
“An additional 470 kilometers of protected bike lanes and pedestrian infrastructure will be built to stay true to our
commitment of making active transport a viable transportation and mobility option,” pahayag ni Transportation Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure James Andres Melad.
Ayon sa DOTr, mahigit sa 932 million ang gagastusin para sa expansion sa siyam na rehiyon. Pagsapit ng 2028, umaasa ang DOTr na makapaglagay ng 2,400 kilometers ng bike lanes.
Sinabi ng ahensiya na ang road projects para sa taon ay kinabibilangan ng expansion ng active transport infrastructure sa siyam na rehiyon, ng Intramuros Active Transport Infrastructure Expansion, at ng Quezon City Bike Bridge.
Nauna rito ay nagsagawa ang DOTr ng ground breaking sa active transport infrastructure sa San Fernando, Pampanga, na sumasakop sa 37.5 km ng bike lanes.
Ayon sa ahensiya, mahigit sa 332,000 residente ang makikinabang sa proyekto.