(Halos P59:$1 na)PISO KONTRA DOLYAR TULOY SA PAGBULUSOK

PISO-DOLLAR-3

HALOS umabot na sa P59:$1 level ang palitan ng piso kontra dolyar sa patuloy na pagsadsad nito sa ika-5 sunod na trading day nitong Martes para maitala ang panibagong historic low.

Ang local currency ay humina ng 49 centavos upang magsara nitong Martes sa P58.99:$1 mula sa P58.5:$1 noong Biyernes.

Ito na ang ika-11 all-time low ng piso kontra dolyar ngayong buwan.

Ang mga naunang records ay noong September 2 (P56.77:$1), September 5 (P56.999:$1), September 6 (P57.00:$1), September 8 (P57.18:$1), September 16 (P57.43:$1), September 20 (P57.48:$1), September 21 (P58$1), September 22 (58.49:$1), at September 23 (58.5:$1).

Year-to-date, ang piso ay humina ng P7.99 o 15.7% mula P50.999:$1 sa huling trading day ng 2021.

Ang patuloy na paghina ng local currency ay kasunod ng pagtataas ng Federal Reserve sa key policy rates ng 75 basis points.

“Higher US interest rates or bond yields increase the attractiveness or allure of the US dollar, with high interest rate income on US currency-denominated deposits/bonds/other fixed income instruments,” paliwanag ni Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) Chief Economist Michael Ricafortt sa GMA News.

“Local monetary authorities signaled possible surprise or off-cycle local policy rate hike/s, more intervention in the local foreign exchange markets; both of which could help stabilize the peso exchange rate, as well as overall inflation,” dagdag pa niya.

Humina rin, aniya, ang piso makaraang bumagsak ang local stock market, ang PSEi, sa ika-4 na sunod na trading day.