ISANG lindol na may lakas na 6.8 magnitude ang yumanig sa hilagang kanluran ng Japan noong Mar-tes na nagtulak sa Japan Meteorogical Agency na mag-isyu ng alerto sa publiko para sa posibilidad ng pagkakaroon ng tsunami. Walang nai-report na namatay sa nangyaring paglindol ngunit ito ay nagresulta sa paghinto ng operasyon ng dalawang linya ng tren upang sumailalim sa pagsusuri kung ito ay nagkaroon ng sira. Ilang mga reactor din sa nuclear plant sa Niigata ang huminto sa operasyon. Wala namang naitalang sira.
Noong nakaraang Lunes naman ay isang lindol na may lakas na 6.0 magnitude ang tumama sa probinsi-ya ng Sichuan sa China. Bunsod ng malakas na paglindol, gumuho ang isang hotel sa Changning country sa Yibin City, isang probinsiya na matatagpuan sa timog-kanluran ng bansa. May 11 ang naiulat na na-matay at 122 naman ang sugatan.
Kasabay ng paglindol sa China, isang 5.5 magnitude na lindol ang naramdaman sa rehiyon ng Flores sa Indonesia at anim na paglindol ang tumama sa probinsiya ng Mindanao kasama ang Agusan del Sur, Davao Occidental, at Surigao del Sur.
Dalawang buwan na ang nakararaan nang tamaan ang Luzon ng isang 6.1 magnitude na lindol na naging dahilan ng pagkasira ng ilang mga gusali sa Metro Manila at ng pagguho ng Chuzon Supermarket sa Po-rac, Pampanga na may apat na palapag. May 18 ang naiulat na namatay at 282 naman ang sugatan. Sa kaparehong buwan, tinamaan ng 6.1 magnitude na lindol ang Eastern Samar at Zambales.
Ang sunod-sunod na paglindol na ito na tumama sa ating bansa at sa ating mga kalapit na bansa ay medyo nakapangangamba. Ngunit dahil tayo ay nakapuwesto sa tinatawag na Pacific Ring kasama ang mga bansang Taiwan, New Zealand, at Japan, pangkaraniwan na ang makaranas ng madalas na paglin-dol at pagkakaroon ng mga aktibong bulkan. Maraming mga mahinang paglindol ang madalas na nara-ranasan bilang resulta ng pagbabanggaan ng mga major tectonic plate sa rehiyon.
Ang West Valley Fault na may habang 100 kilometro na umaabot mula Bulacan hanggang Laguna ay delikado kung tatamaan ng paglindol na may lakas na 7.1 magnitude.
Ayon sa mga pag-aaral, gumagalaw ang West Valley Fault tuwing ika-400 hanggang ika-500 taon. Sa kadahilanang ito, naniniwala ang mga eksperto na maaaring mangyari ang ‘The Big One’ sa ating panahon. Kapag nangyari ito, inaasahang aabot sa 30,000 katao ang maaaring mamatay at mag-iiwan ng 100,000 na sugatan.
Ang nakapangangamba para sa akin ay ang mga nai-report na substandard na mga materyales na ginamit sa paggawa ng mga gusali, partikular na ang mga tinatawag na reinforced steel bars o rebar na ginagamit pa rin hanggang ngayon sa paggawa ng mga matataas na komersiyal na gusali at mga resi-dential na condominium sa mga sentro ng komersiyo sa bansa.
Ang pagkakapuwesto malapit sa Pacific Ring ay ang pangunahing dahilan kung bakit may mga partikular na uri ng bakal na hindi inirerekomendang gamitin sa paggawa ng mga matataas na gusali sa ating bansa. Ang mga substandard na mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga gusali gaya ng mga rebar ay hindi kakayanin ang epekto ng isang 7.2 magnitude na paglindol.
May 12 taon na ang nakararaan nang baguhin ng mga kompanyang gumagawa ng bakal ang proseso sa paggawa ng mga produkto nila nang walang pasabi sa gobyerno o sa publiko. Pinalitan nila ang micro-alloyed (MA) na bakal ng mga quenched-tempered (QT) na bakal nang hindi ito ipinaaalam sa mga kon-traktor, developer at mga customer.
Ang mga QT na bakal ay gawa sa red-hot steel bar na ini-sprayan ng tubig. Naaapektuhan ng prosesong ito ang tinatawag na metallurgy ng bakal. Pinaniniwalaang pinaninipis nito ang bakal – isa hanggang da-lawang milimetro lamang ang kapal. Ang loob nito ay pinaniniwalaang mahinang klase ng bakal. Madali itong masisira at guguho kapag tumama ang isang malakas na lindol sa ating bansa. Matibay lamang ang labas nito dahil sa pinagdaanang proseso pero ang loob ay mananatiling marupok at mahina. Magpasa-hanggang ngayon, wala pang opisyal na report ukol sa trahedyang nangyari sa Chuzon Supermarket. Ano nga bang uri ng bakal ang ginamit bilang pundasyon nito? Kailangan itong malaman ng publiko.
Hinihinalang ang mga malalaking lokal na kompanya ng bakal ay mas nagbibigay ng pagpapahalaga sa malaking kita sa pamamagitan ng paggawa ng mga bakal gamit ang mas murang proseso ng QT na ma-linaw na taliwas sa pamantayan. Bilang resulta nito ay nalalagay sa peligro ang buhay ng mga Filipino.
Ayon kay Emilio Morales, isang structural engineer na kasapi ng Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP), ang paggamit ng QT o ‘thermo-mechanically treated’ (TMT) na mga bakal na ginagamit bilang pundasyon ng mga matataas na gusali sa bansa ay delikado para sa maraming tao bun-sod ng ‘cyclic loading’ na resulta ng mga lindol.
Ang cyclic loading ay isang tuloy-tuloy na proseso ng paulit-ulit na paglalagay ng puwersa sa pundasyon na nagsasanhi ng paghina ng kalidad nito hanggang sa ito ay tuluyang bumigay.
Sa isang cycling loading test, ang bakal ay sumasailalim sa maraming uri ng puwersa na kahawig ng sa mga malalakas na lindol. Kung mapatunayan na ang bakal ay maganda ang kalidad at alinsunod sa standard, kakayanin nito ang lima hanggang pitong beses na pagyanig bago ito magpakita ng mga sen-yales ng panghihina. Ang mga QT na bakal ay nasisira na agad sa unang pagyanig pa lang ng lindol ha-bang ang MA na bakal naman ay tumatagal ng hanggang pito o walong cycle bago makitaan ng pagbaba ng kalidad.
Isinasailalim ng mga lokal na kompanya ng bakal ang kanilang mga produkto sa isang routine tensile strength test upang masubok ang tibay nito at makita kung hanggang saan ang itatagal nito kapag pi-nuwersa. Subalit sinasabing tumanggi ang mga ito na isailalim sa cyclic loading test ang kanilang mga produkto upang masubok kung gaano ito katibay sa ilalim ng lindol.
Bunsod ng kalunos-lunos na Sichuan quake sa China, sinimulan na ang pagbabawal sa paggamit ng QT na bakal. Pati Taiwan ay ganito na rin ang ginagawa dahil napatunayan na matibay lamang ang panlab-as na anyo ng QT dahil sa prosesong pinagdaanan nito.
Mula sa pahina 8 Sa kasamaang palad, ang standard ng testing ng bakal sa ating bansa ay hindi kasing higpit at metikoloso. Sa katunayan, ang isang produkto na gawa mula sa grade 40 na bakal ay maaaring pu – masa bilang grade 60 dahil sa QT na coating nito.
Ayon sa mga eksperto, kapag nagkaroon ng mala-kas na paglindol, maaari itong maging sanhi ng pagguho ng mga gusali. Hindi nito kakayanin ang puwer-sa ng malalakas na lindol dahil ang ma – teryales na ginamit bilang pundasyon ng mga ito ay hindi akma para sa malalakas na lindol.
Ang mga grade 40 na bakal, ayon sa eksperto, ay para lamang sa mga gusali na katamtaman lamang ang taas. Bagama’t may mga ginagawang mga hak – bang ang gobyerno bilang tugon sa problemang ito partikular na ang Department of the Interior and Local Government (DILG), gaya ng mga earthquake drill, maaaring hindi pa rin ito sapat dahil ang kailangang gawin ay suriin ang integ – ridad ng mga gusali sa bansa at siguraduhing ka – kayanin ng mga ito ang puwersa ng Big One.
Matindi rin ang pangangailangan ng gobyerno, partikular ang Department of Trade and Industry (DTI) na bisitahin ang kanilang kasalukuyang proseso sa pagsusuri ng mga bakal. Mainam din kung magsasa-gawa sila ng masusi at malawakang inspeksiyon sa kalidad ng mga matataas na gusali sa bansa na itina-yo nitong nakaraang 10 taon na maaaring gumamit ng QT na uri ng bakal bilang pundasyon.
Mas mainam na maging sigurado at ligtas kaysa magsisi sa bandang huli. Sana ay pagtuunan ito ng pansin ng gobyerno bago mahuli ang lahat dahil sa pagdating ng The Big One, ang mga na – katira sa mga condo-minium gaya ng inyong abang lingkod, ay aasa na lamang na sapat ang tibay ng aming tahanan at mananaig ito sa puwersang dala ng The Big One. Gawin din natin ang ating bahagi sa pagha – handa pa-ra sa The Big One gaya ng paghahanda ng mga Go Bag para sa bawat miyembro ng pamilya.
Magkaroon ng iisa at malinaw na usapan ukol sa kung saan ang evacuation area sa lugar at kung saan maaaring magtagpo ang bawat miyem – bro kapag nagkahiwa-hiwalay o magkakahiwalay habang lumilindol. Ka-ragdagang paalaala ukol sa serbisyo ng koryente, huwag na huwag papatol sa mga na – ngongontrata at nagsasabing pabababain ang bill sa koryente kada buwan kahit pa magpakilala ito bilang empleyado ng Meralco.
Kamakailan lamang ay mayroong nahuling tatlong katao na ‘di umano’y nagpanggap na empleyado ng Meralco at nag-alok sa ilang mga customer na pababa – bain ang bill ng koryente ng mga ito kapalit ng malaking halaga.
Sa pamamagitan ng entrapment operation na isinagawa ng Mandaluyong Police Station, sa pakikipagtulungan ng Meralco, ay nahuli ang mga salarin. Laging isaisip na mas mainam na panatilihing lehitimo ang konsumo at koneksiyon ng koryente upang masiguro ang ating kaligtasan.
Comments are closed.