(Pagpapatuloy…)
SA HULING araw ng PBF, tampok naman ang isang book launch ng manunulat na si Ronaldo Vivo (“Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat”), isang cosplay contest (“Cosplay Filipiniana,” kung saan ipo-portray ng mga fans ang iba’t ibang tauhan mula sa panitikang Pilipino), at iba pang mga kaganapan kabilang ang “Reading the Readers: Education and the Power of Reading,” “A Day with Gwy Saludes,” “A Beautiful Day,” at “PANITIKolab.”
Ang PBF ay magtatapos sa isang ritwal sa canap na =alas-7:00 ng gabi.
Ang mga bibisita sa PBF ay maaaring tumingin sa eksibisyon ng National Library of the Philippines—ito ay ang kanilang koleksiyon ng mga rare books, kasama ang mga bagong koleksiyon ng rare manuscripts at mga facsimile.
Bukod pa rito, matatagpuan din sa Book Bar ang mga award-winning books, at itatampok naman ng Guhit Pambata ang mga likha ng ating mga magagaling na children’s book illustrators. Sa thong ito ay ipakikilala rin ng PBF ang Tabuan Food Hall.
Muling itatampok ng PBF ngayong taon ang Kid Lit, isang espasyong nakalaan para sa mga bata; ang Komiks, na nakatuon naman sa Pinoy Komiks; ang Booktopia, kung saan matatagpuan ang iba’t ibang fiction at non-fiction titles; at ang Aral Aklat, na nagtatampok ng mga textbook at educational materials.
Bukod pa sa Main Stage, kung saan magaganap ang karamihan sa mga kaganapang nabanggit sa itaas, magkakaroon din ng Creators Lab at Kids-at-Play area, na magtatampok ng mga kapana-panabik na talakayan, aktibidad, at mga palihan.
Ang Philippine Book Festival ay bahagi ng inisyatiba ng National Book Development Board upang palaguin ang kultura ng pagbabasa at palakasin ang industriya ng paglalathala sa Pilipinas. Ang PBF ay bukas at libre para sa publiko mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi. Para sa karagdagang impormasyon at libreng pagpapatala, bisitahin ang philippinebookfest.com.