PINALAWIG ng Pilipinas ang restrictions nito sa mga biyahero mula sa 10 bansa ng 15 pang araw upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant.
Ayon kay Inter-Agency Task Force spokesperson Harry Roque, ang travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia ay iiral hanggang Agosto 31.
Ang ban ay magtatapos na sana noong Hulyo 31, subalit ilang beses itong pinalawig ng pamahalaan.
Hanggang kahapon ay may 627 kaso na ng Delta variant ang naitala sa bansa matapos madagdag ang 177 bagong kaso.
Sa mga bagong kaso, 154 ang local cases, tatlo ang returning overseas Filipinos, at 30 iba pa ang bineberipika.
Nasa 90 sa 144 local cases ng Delta variant sa bansa ang may address sa Metro Manila, 25 sa Calabarzon, 16 sa Cagayan Valley, 8 Ilocos Region, tig-2 sa Cordillera Administrative Region at Western Visayas, at 1 sa Davao Region.
991025 658554After study several with the content inside your internet site now, we genuinely such as your technique of blogging. I bookmarked it to my bookmark web website list and will also be checking back soon. Pls look at my web-site likewise and make me aware what you believe. 190876