(Hanggang Disyembre)SUPLAY NG PULANG SIBUYAS SAPAT

Ito ang tiniyak ni General Manager Arnel Llamas ng Katipunan ng mga Samahang Magsisibuyas sa Nueva Ecija base sa kanilang konsultasyon sa Bureau of Plant Indutry (BPI), dalawang linggo na ang nakalilipas.

Pero patuloy naman aniyang magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng puting sibuyas.Binigyang-diin pa ni Llamas na nasa 350,000 sako ng sibuyas ang inani nila noong Pebrero hanggang kalagitnaan ng Marso.

Sa nabanggit na bilang, 50 sako rito ay puting sibuyas.

Samantala, sinabi ni Llamas na nabenta na ang lahat ng puting sibuyas na nasa kanilang storage facilities noong nakaraang buwan.

DWIZ 882