(Hanggang Hunyo 30) LEISURE TRAVEL MULA NCR PLUS PINALAWIG

Bernadette Romulo-Puyat

PINALAWIG ng Department of Tourism (DOT) ang leisure travel mula sa NCR Plus patungo sa mga tourist spot na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang point-to-point travel mula NCR Plus papuntang MGCQ areas ay papayagan sa lahat ng edad subalit kailangan ang negative RT-PCR test para sa mga may edad 18 pababa at 65 pataas.

Ang ibang  protocols at  restrictions ay depende sa  local government units ng kanilang tourist destinations.

Ang restrictions ay unang ipinatupad hanggang Hunyo  15.

Bagaman pinapayagan sa ilalim ng Resolution No. 121 ng IATF ang leisure travel mula sa mga lugar na nasa ilalim ng  GCQ patungo sa MGCQ, Ang mga traveler mula sa  Bulacan, Cavite, Laguna, at  Rizal ay maaari lamang magsagawa ng point-to-point travel sa GCQ at  MGCQ areas.

Nangangahulugan ito na bawal ang stop overs o side trips mula sa mga lugar sa labas ng napiling tourist spots.

“This extended liberal movement of people will allow the DOT and local government units to revive the jobs of displaced tourism workers,” sabi ni Puyat.

Ang NCR Plus — Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal — ay nasa ilalin ng GCQ) “with restrictions” hanggang sa katapusan ng buwan.

Ang Metro Manila at Bulacan ay nasa ilalim ng

GCQ “with some restrictions” habang ang Rizal, Laguna at Cavite ay nasa ilalim din ng GCQ, ngunit “with heightened restrictions” hanggang Hunyo 30.

7 thoughts on “(Hanggang Hunyo 30) LEISURE TRAVEL MULA NCR PLUS PINALAWIG”

Comments are closed.