GUMASTOS ang local government units (LGUs) ng kabuuang P118.9 billion sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) response measures hanggang noong June 2021, ayon sa preliminary data na nalikom ng Bureau of Local Government Finance (BLGF).
Sa report kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ng BLGF na sa kabuuan, P76.44 billion ang nagmula sa sariling pondo ng LGUs habang ang P35.44 billion ay galing sa Bayanihan Grant sa ilalim ng 2020 national budget at kaugnay sa Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1), na ang bisa ay pinalawig hanggang noong nakaraang taon.
Ginamit din ng LGUs ang P4.93 billion sa kanilang hindi inaasahang cash balances ng public funds na inilipat sa general fund (GF) ng LGUs para suportahan ang kanilang pandemic response efforts.
Ayon sa BLGF, ang P2.14 billion pang ginastos ng LGUs ay nagmula sa grants at donations.
Sa ilalim ng Republic Act 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2), “the unexpended cash balances of public funds held in trust by the local governments were allowed to be transferred to the GF of the LGUs to support local government programs and projects in response to the Covid-19 pandemic, while RA 11520 extended the validity of the 2020 General Appropriations Act (GAA) up to Dec. 31, 2021.”
Ang report ng BLGF ay alinsunod sa naunang direktiba ni Dominguez sa bureau na i-monitor ang pandemic-related finances ng LGUs.
Bilang tugon ay bumuo ang BLGF ng online reporting system para masubaybayan ng local treasurers ang receipts at mga gastos ng lahat ng lalawigan, lungsod at munisipalidad na may kaugnayan sa kanilang COVID-19 programs, projects, at activities.
“This reporting system was used to establish and assess baseline local finance data to serve as inputs in managing the Covid-19 response of the government,” sabi ni BLGF executive director Niño Raymond Alvina sa kanyang report.
Ang datos na nakalap ng BLGF ay para sa period na April 2020 hanggang June 2021, na may 100 percent reporting compliance ng lahat ng provincial, city, at municipal treasurers ng 1,715 LGUs.