(Hanggang sa Nobyembre) WALANG PRICE HIKE SA PINOY PANDESAL, TASTY

HINDI magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal hanggang sa katapusan ng Nobyembre ngayong taon, ayon sa isang grupo ng bread manufacturers.

“As much as we can, we want to hold the prices of Pinoy Tasty and Pinoy Pandesal until the end of November,” wika ni Philbaking president Johnlu Koa sa panayam ng Dobol B TV.

Sinabi naman ni  Trade Undersecretary Ruth Castelo na ang presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ay nanatili sa P35 at P21.50, ayon sa pagkakasunod, sa nakalipas na limang taon o magmula noong 2016.

Ang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal, ang mas murang varieties ng tinapay, ay isang partnership sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Philbaking na inilunsad noong 2010.

Ang mga miyembro ng Philbaking ay kinabibilangan ng The French Baker, Gardenia Philippines at Julies.

Ayon kay Koa, sa kabila ng pagtaas sa wheat prices sa world market ay sinusuportahan ng bread manufacturers group ang inisyatiba ng gobyerno na huwag magtaas ng presyo ng local bread.

Sa pagtatapos ng Nobyembre, sinabi niya na ang paggalaw sa presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ay nakadepende sa presyo ng wheat sa world market.

“Should it start to soften or if something nice happens in the planting conditions or harvest conditions in the US then, perhaps we can see some alleviation,” ani Koa.

191 thoughts on “(Hanggang sa Nobyembre) WALANG PRICE HIKE SA PINOY PANDESAL, TASTY”

  1. 194943 575262Admiring the time and energy you put into your weblog and in depth info you offer. It is great to come across a weblog every once in a even though that isnt exactly the same old rehashed material. Wonderful read! Ive bookmarked your site and Im adding your RSS feeds to my Google account. 300566

Comments are closed.