BAGAMA’T nasa mga kamay ng economic team ng administrasyong Duterte ang pagbusisi sa mga posibleng investor sa Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines (HHIC-Phil), inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na babanatayan din nila ang grupo na nagbabalak na maglagak ng puhunan sa cash-strapped shipbuilder.
Nabatid na ang Hanjin ay may kabuuang $1.3 billion outstanding loans — $400 million sa mga bangko sa Filipinas at $900 million sa South Korean lenders.
“We defer to the economic team in this area. But we (are) interested to know who are coming to invest,” wika ni Lorenzana nang tanungin kung masusing binabantayan ng DND ang mga kaganapan sa HHIC-Phil na nakabase sa Subic Bay, Zambales.
Ayon kay Lorenzana, babantayan ng kagawaran ang mga may interes na maglagak ng puhunan sa Hanjin dahil malapit lamang ito sa major docking at anchorage area ng malalaking barko ng Philippine Navy.
“After all Subic Bay is also a major docking and anchorage of our big ships. We will monitor who are interested to invest,” anang DND chief.
Una rito ay nagpahayag ng pagkabahala si Retired Philippine Navy Vice Admiral Alexander Pama sa posibleng pagpasok ng dalawang Chinese firms sa naluluging Hanjin dahil maglalantad umano ito sa strategic spot ng Filipinas at sa mga pinag-aaagawang teritoryo.
“The ownership of Hanjin shipyard in Subic Bay will give the owners unlimited access to one of our most strategic geographic naval and maritime asset. Although it is a commercial shipyard, nothing can prevent the owners from making it into a defacto naval base and a maritime facility for other security purposes,” ani Pama.
“Mga kababayan, sa aking tantiya itong balita ay nakababahala at posibleng may kaakibat na panganib sa kalaunan. Let’s be aware that this Hanjin shipyard issue is not just about business, financial and other economic issues. This is a very significant national security issue!,” dagdag pa ni Pama.
Bukod pa umano sa posibilidad na hindi makontrol ang kompanyang Hanjin sa oras na mapasakamay ng Chinese investors dahil maaaring maging isang quasi naval base ito.
Ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), nagsumite na ang Hanjin ng petisyon noong nakaraang linggo sa Regional Trial Court sa Olongapo City para mapasimulan ang voluntary rehabilitation sa ilalim ng Republic Act 10142, na mas kilala bilang ‘An Act Providing for the Rehabilitation or Liquidation of Financially Distressed Enterprises and Individuals’.
Batay sa report, noong nakaraang taon ay umabot sa 7,000 manggagawa ang inalis ng Hanjin. VERLIN RUIZ
Comments are closed.