HATID NI TEDDY, MAGANDANG NGITI

TEDDY BEAR

(ni CYRILL QUILO)

MAMA Bear, Papa Bear o Baby Bear, lahat ng ito ay kinagigiliwan ng marami. Sa bata man o matanda, nakapaghahatid ito ng lubos na kaligayahan. Makita mo lang si Teddy, magmamadali kang lumapit sa kanya upang siya ay yakapin. Huggable ang katawan, mabalahibo at higit sa lahat ay maamo ang kanyang mukha.

Si “Teddy Bear” ay isang stuffed toy na hinango sa pangalan ng Presidenteng si Theodore ”Teddy” Roosevelt. Noong 1902, minsan ay naimbitahan si Roosevelt sa Mississippi sa pangangaso o hunting ng Oso o Bear. Kapag nakahuli ka ng isang Oso, kinakaila­ngan patayin ito. Tumanggi si Roose-velt na patayin ang nahuli niyang Oso kaya tinawag siya ng mga hunter o mangangaso na “unsports manlike”. Mula noon ay binansagan na siyang “Teddy’s Bear”.

Hanggang sa sumikat ang “Teddy Bear” at gumawa sila ng isang stuffed toy na hinango sa pangalan ni Roosevelt. Si Morris Michtom ang nagsimu-la nito sa United States at Richard Steiff naman sa Germany.

Mula noon hanggang ngayon, ang teddy bear ay minahal na ng marami lalo na ng mga bata. Madalas, ito ang kahili­ngan o gustong matanggap ng mga bata kay Santa Claus sa tuwing sasapit ang Pasko.

Tuwing “Ber” months, pinaghahandaan ng ba­wat isa sa atin ang mga ireregalo natin sa ating mga mahal sa buhay. Lalo na ang mga Ninang at Ninong na may maraming inaanak. Walang inaabangan ang mga bata kundi ang pagsapit ng Pasko sapagkat alam nilang may maganda silang matatanggap na regalo. Isang beses sa isang taon lamang din kung ito ay sumapit. Kung kaya’t marami ang naghahanda sa okasyong ito ng mga espesyal na putahe gayundin ng mga pakulo o mga activity na magugustuhan ng marami.

Isa na rito ang isang shopping mall, ang SM Calamba City. Mayroon silang proyekto na nais makapaghatid ng mun­ting kaligayahan sa mga batang kapus-palad. Ito ay mga batang nasa bahay-ampunan at walang pamilya. Ayon sa Public Relations Officer na si Ms. Karen Christine Tiqui, pinamagatan  itong “Share a Bear this Christmas”.

Hatid nila ang makapaghandog at makita sa mga bata ang ngiti kung ito ay kanilang maabutan o mabigyan ng mun­ting regalong laruan. Ang bawat pares na “teddy bear” ay nagkakahalaga ng 200 pesos. May apat na disenyong maaaring pagpilian. Ang isa ay itatago ng customer at ang isa ay ibibigay sa napiling charity.

Abot-kaya sa bulsa at nakapagpasaya ka pa ng mga bata. Ang SM Cares Bear ay nagsimula noong Oktubre at ipamamahagi ito bago sumapit ang Pasko sa mga bata.

Sa mga nagnanais na makatulong at makapaghatid ng munting kasiyahan sa mga bata, pumunta lang po sa nabanggit na shopping mall.

Ang mga teddy bear ay mabibili sa main entrance ng mall.

Kaya ngayong Pasko, share our blessings.

Comments are closed.