DAPAT ngayong taon ay may mahatulan na sa karumal-dumal na Maguindanao massacre, ito ang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersiyal na kaso na ilang taon nang dinidinig.
Iniutos ni Duterte sa mga prosecutor na bilisan na ang pagsusulong ng mga kaso laban sa mga sangkot sa Maguindanao massacre na ikinasawi ng 58 katao, karamihan ay mga mamamahayag.
Sinabi ni Roque, na ito ay para maramdaman naman ng mga biktima ng masaker ang katarungan para sa kanila.
Nobyembre 2009 nangyari ang masaker na itinuring na pinakamalagim na araw sa mga mamamahayag.
Pangunahing akusado sa krimen ang mga Ampatuan, kabilang si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan at ang ama nitong si Andal Ampatuan, Sr. na nasawi habang nakakulong noong isang taon.
Comments are closed.