TARGET ng pamahalaan na tanggalin na ang mga umiiral na health quarantine protocols sa bansa sa susunod na taon.
Ito ang naging reaksyon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay ng naging pahayag ni NEDA Dir. General Karl Kendrick Chua, matapos nitong sabihin na posibleng manatili pa sa quarantine ang bansa hanggang sa susunod na taon.
Ayon kay Vergeire, posibleng alisin na sa quarantine sa ikatlong quarter ng 2021.
Gayunman, sinabi ni Vergeire na hindi pa rin naman malinaw ang posibleng mangyari at kailangan pa rin namang pag-aralan ang mga dapat na ipatupad sa bansa.
Comments are closed.