CAMP CRAME-UPANG hindi na maulit ang pananakit sa mga health workers, iniutos na ni Philippine Nationa Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa sa kanyang mahigit, 200,000 tauhan sa buong bansa na tiyakin ang seguridad ng mga health worker.
Sinegundahan naman ito ni Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, Deputy Chief for Administration, at sinabing mahalaga ang ginagampanan ng mga health worker para mapagaling ang mahigit 2,000 pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) kaya dapat matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa mga nananakit na pasyente.
Kabilang naman sa ikinokonsidera ng PNP ang eskortan ang mga health worker.
Ginawa ni Gamboa ang kautusan matapos ang dalawang insidente ng pananakit at pananakot sa dalawang health eorkers sa South Cotabato at Cebu.
Sinabi ng PNP Chief, dapat ay gamitin ng mga police ang lahat ng puwersa nito para maprotektahan ang mga health workers lalo na ngayong panahon ng krisis sa bansa.
Ang lahat aniya na maarestong nananakit sa mga heath workers ay dapat maaresto, makasuhan at maparusahan.
Sa ulat, isang nurse sa St. Louis Hospital sa Tacurong City ang binugbog at sinabuyan ng bleaching agent ang mukha sa bayan ng President Quirino.
Habang isang nurse din sa Cebu ang sinabuyan ng chlorine ng riding-in-tandem suspects.
Bukod sa pagbabantay sa mga health worker, una nang nagbigay ng libreng sakay ang PNP sa mga health workers para mas maging madali sa mga ito na gawin ang kanilanng tungkulin. REA SARMIENTO