IPAKAKALAT ng Department of Health (DOH) ang mga health worker mula sa ibang rehiyon para tumulong sa Metro Manila kaugnay sa ginagawa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magde-deploy sila sa Metro Manila ng health workers mula sa ibang rehiyon upang makagawa ng substitution team.
Aniya, sa ganitong paraan mabibigyan ng pagkakataon na magpahinga ang mga health worker sa National Capital Region (NCR).
“Kailangan natin gumawa ng substitution team para makapagpahinga ang mga kapatid natin na health workers sa NCR. Kausap po namin ang aming regional offices, at may darating na health workers [from other regions] dito sa NCR para tumulong,” ani Vergeire.
“Mag-aanunsiyo rin po kami ng programa para sa private sector health workers po natin,” dagdag pa nito.
Inaasahan namang kahapon ay makikipagpulong ang DOH sa mga grupo ng mga health workers para sa fine print ng deployment ng health personnel sa gitna nang nararanasang COVID-19 pandemic. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.