SA kabila ng pinapairal na enhanced community quarantine, papayagan na ng gobyerno na makaalis ang mga Filipino health worker na may kontrata sa ibang bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr., ang nurses at iba pa health workers na may kontrata na sa ibang bansa para makapagtrabaho ay puwede nang makalipad palabas ng bansa.
Nauna nang tinutulan ni Locsin ang temporary travel ban sa mga health worker na ipinatupad ng Phiippine Overseas Employment Administration (POEA).
Pinasalamatan naman ng kalihim si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
Ani Locsin, ang iba pang aplikasyon ay pansamantalang ipinatigil hanggang wala pang notice at dapat munang mabigyan ng trabaho ang mahigit 450,000 nurses.
Nilinaw rin ng Inter Agency Task Force on Emerging infectious diseases (IATF) na maaaring makalabas ng bansa ang Filipino health workers na mayroon nang kontrata subalit dapat silang lumagda sa isang waiver. VICKY CERVALES
Comments are closed.