HEALTH WORKERS NAGPROTESTA

SA pagdiriwang ng “National Heroes’ Day”, sinabayan ng kilos protesta at noise barrage ng mga health worker mula sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City kabilang ang iba’t ibang mga pampublikong ospital sa National Capital Region (NCR) nitong Lunes ng tanghali.

Sabay-sabay na naglabasan sa kani-kanilang pinapasukan mga ospital ang health workers upang ilabas ang kanilang sama ng loob sa pamunuan ng Department of Health (DOH) at sa administrasyong Duterte dahil sa matagal nang pagkaantala ng kanilang Special Risk Allowances (SRA) at iba pang mga benepisyo sa ilalim ng Bayanihan Law 2.

Maliban dito, nanawagan din sila na agad na magsagawa ng ‘mass hiring’ ng mga regular health worker para sa mga COVID-19 patients.

Ang isinagawang kilos protesta ay bahagi na rin ng ‘countdown’ at ‘ultimatum’ ng mga health worker sa DOH na ngayong araw ay dapat na maibigay na ang kanilang SRA at iba pang mga benepisyo na kinabibilangan ng Meal Accommodation and Transport (MAT) allowances, at at Active Hazard Duty Pay (AHDP).

Matatandaan na ang NKTI at iba pang mga government owned and controlled corporations (GOCCs) health workers ay hinintay pang magsagawa ng magkakasunod na protesta bago ipagkaloob ang inisyal na kabayaran sa kanilang COVID-19 benefits.

Una nang kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga medical frontliner bilang ‘modern day heroes and soldiers’ na nagsasakripisyo upang labanan ang nangyayaring pandemya sa bansa.

“With all due respect Mr. Presidente, we appreciate your compliments and recognition as we combat this war but what we need right now is your hundred percent support and sincere protection so that we can further improve our better services to our fellow countrymen” pahayag ni Edwin Pacheco, president ng NKTI Employees Association.

“Nag-expire na ang Bayanihan 2 na hindi natanggap o napakinabangan ng mga manggagawa sa pribadong pagamutan ang mga nakasaad na benepisyo dito. Sa mga nagaganap na pag-iimbestiga ng dalawang kapulungan ng kongreso ay paulit-ulit nang itinuturo ang kapalpakan ng DOH, Center for Health Development (CHD) pero ang tigas pa rin ng pagmumukha ng mga opisyal sa pangunguna ni Secretary Duque,” pahayag naman ni St Luke’s Medical Center (SLMC) QC Employees Association president Jao Clumia.

Binigyang-diin pa ni Clumia na magpapaso na ang taning ni Pangulong Duterte sa DOH at DBM na bayaran sa loob ng 10-araw ang lahat ng mga pagkakautang ng gobyerno sa mga health worker subalit panay palusot pa rin ni Duque sa pag-iwas sa obligasyon sa mga manggagawa.

Nagbabala rin si Clumia na kung hindi kayang sibakin ng Pangulong Duterte si Duque ay sila na mismo ang kikilos para sipain ito sa DOH.

Ayon sa grupo ang kanilang protesta ay panimula lamang bilang paghahanda sa mas malawakang pagkilos na kanilang tatawagin na “Pambansang Araw ng Pagkilos Para sa Proteksyon ng mga Manggagawang Pagkalusugan” na kanilang ilulunsad sa unang linggo ng Setyembre.

“Ang pakiusap namin sa publiko, humihingi kami ng suporta sa lahat kasi ‘yung pinaglalaban namin dito, kapakanan din ng publiko ‘yung aming pinaglalaban.‘Pag nawala na ‘yung ating mga healthcare workers, lalo na ‘yung mga nurses sa loob ng ospital… hindi kayo makakatapak diyan sa ER (emergency room), mamamatay kayo dahil wala na nga po, punuan na tayo,” dagdag pa ng SLMC QC Employees Association president. EVELYN GARCIA

73 thoughts on “HEALTH WORKERS NAGPROTESTA”

  1. 340631 673364Hi, Neat post. Theres a problem along with your internet site in internet explorer, would test this IE nonetheless will be the market leader and a big portion of folks will miss your great writing because of this difficulty. 289150

  2. 172594 708242I discovered your blog website on google and check several of your early posts. Proceed to maintain up the excellent operate. I just extra up your RSS feed to my MSN News Reader. In search of ahead to studying extra from you in a even though! 96993

  3. 448504 726015There will be several completely different portions about the LA Weight reduction eating plan and 1 is truly critical. Begin stage is your in fact truly of these extra load. weight loss 248219

  4. 644854 188256I discovered your weblog site internet website on the internet and appearance some of your early posts. Continue to maintain in the fantastic operate. I just now additional increase your Rss to my MSN News Reader. Seeking toward reading far more from you locating out at a later date! 327769

Comments are closed.