KUNG natuloy sana ang pagbubuntis ni Heart Evangelista, dapat ay nasa ikatlong buwan na niya ngayon kahit pa una nang sinawing-palad ang isa sa kambal. Pinangalanan pa ni Heart noon na Mira ang natitira sa kambal pero sa tulad ng nauna ay hindi rin nabuo si Mira at huminto na rin ang pagpintig ng natitirang kambal sa sinapupunan ni Heart.
Hindi ganoon kadali para kay Heart na makarekober sa trahedyang naganap sa kanyang kambal lalo pa heto sana ang kauna-unahang mga sanggol na isisilang ng Kapuso actress. Kung kaya para mas makapag-move ay muling nagpinta si Heart. Dito ay binuhos ni Heart ang lahat ng lungkot na kanyang nararamdaman. At dahil nasa healing stage pa si Heart ay mas minabuti niya na humarap sa isa pa rin niyang kinahihiligan.
Malamang ay mas madali ngayon makarami ng mga painting si Heart at magkaroon ulit ng isa pang art exhibit. Maging ang kanyang pagiging fashionista ay binuhay na muli ni Heart, nitong nakaraan linggo ay fly ang byuti ni Heart sa Paris, France para manood ng isang fashion show kasama ang mga kilalang fashionista sa buong mundo.
AUBREY MILES BUNTIS AFTER 10 YEARS
PAGKATAPOS nang napakakontrobersyal na hubo’t hubad na pinost ng mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero sa kanilang social media account, nagpasabog na naman sa post ang mag-asawa. Sa bago nilang post, sinabi rito ang caption na “my new roommate coming 2019” at may isang pares ng maliit na sapatos pang nakalagay sa naturang larawan.
Say ni Aubrey pagkatapos ulit ng sampung taon ay heto buntis na siya para sa kanyang ikatlong anak, ang panganay ay kay JP Obligacion samantalang ang bunso at ang dinadala niya ngayon ay sa mister na si Troy Montero. Sa ngayon ay hindi pa alam nina Aubrey at Troy ang gender ng kanilang magiging bagong kapamilya pero kahit ano pa raw ang ibigay sa kanila ng nasa Itaas ay welcome na welcome sa family nila.
KYLIE PADILLA AT RURU MADRID BALIK TAMBALAN
PAGKATAPOS ng matagumpay na unang pagtatambal nina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa “Encantadia” ay muling magbabalik ang tambalan nilang dalawa sa “The Cure”. Muling sasabak ang dalawa sa mga maaksiyong eksena.
Ani ni Kylie, masaya siya na kahit paano ay andoon pa rin ang tambalan nila ni Ruru, kung matatandaan ay naputol ito nang sa “Encantadia” ay ‘patayin’ ang karakter ni Kylie bunga ng kanyang biglaang pagdadalantao. Mukhang may panibagong extension na naman ang ‘The Cure’ sa ere, sa pagpasok ng mga bagong karakter sa teleserye na ito nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.
Comments are closed.