NAGTALA si Jimmy Butler ng personal playoff high na may 47 points at nagdagdag ng 9 rebounds, 8 assists at 4 steals upang pangunahan ang Miami Heat sa 111-103 panalo kontra host Boston Celtics at maitabla ang Eastern Conference finals sa 3-3 noong Biyernes ng gabi.
Si Butler ay umiskor lamang ng 27 points sa unang tatlong laro bago pumutok sa isang must-win situation sa Game 6. Naipasok niya ang 16 sa 29 field-goal attempts — kabilang ang 4 of 8 mula sa 3-point range — at isinalpak ang lahat ng 11 free-throw attempts habang sumampa sa 40-point mark sa ikalawang pagkakataon sa series at ika-4 na pagkakataon sa postseason.
Nakakolekta si Kyle Lowry ng 18 points at 10 assists bago na-foul out para sa Heat. Umiskor si Max Strus ng 13 points at nagdagdag si P.J. Tucker ng 11.
Nagbuhos si Jayson Tatum ng 30 points at 9 rebounds, kumubra si Derrick White ng 22 points at nag-ambag si Jaylen Brown ng 20 para sa Boston. Tumipa si Marcus Smart ng 14 points at kumabig si Robert Williams III ng 12 para sa Celtics.
Nakatakda ang Game 7 sa Linggo ng gabi sa Miami.
Naipasok ni Butler ang tiebreaking three-point play upang bigyan ang Miami ng 102-99 kalamangan, may 2:06 ang nalalabi. Naibuslo ni Tucker ang tatlo sa apat na free throws sa loob ng 20 segundo upang palobohin ang kalamangan sa anim na puntos, may 1:25 left ang nalalabi.
Isang jumper ni Butler, may 43.9 segundo sa orasan, ang nagbigay sa Heat ng isa pang six-point lead para selyuhan ang panalo.
Sa ikatlong sunod na laro ay lumiban si Miami guard Tyler Herro (groin), na nakopo ang missed NBA’s Sixth Man of the Year award para sa season.
Bumuslo ang Heat ng 46.2 percent mula sa field, kabilang ang 15 of 35 mula sa 3-point range. Ang Miami ay 24 of 25 mula sa free-throw line.
Naisalpak ng Boston ang 44.4 percent ng kanilang tira at 11 of 33 mula sa arc. Ang Celtics ay 28 of 31 mula sa line.