HEAT NAGLIYAB; ROCKETS SUMIRIT

heat vs bucks

NAISALPAK ni Jimmy Butler ang dalawang free throws mula sa foul na itinawag kay Giannis Antetokounmpo habang paubos ang oras, at ginapi ng Miami Heat ang  Milwaukee Bucks, 116-114, kahapon upang kunin ang 2-0 series lead sa Eastern Conference semifinals.

Nahaharap ang Bucks sa 114-111 deficit, may 7.7 segundo ang nalalabi, nang tawagan si Goran Dragic ng foul sa 3-point attempt ni Khris Middleton.

Naipasok ni Middleton ang tatlong free throws upang itabla ang laro, may 4.3 segundo sa orasan.

Sa sumunod na tagpo ay nakakuha si Butler ng foul mula kay Antetokounmpo habang paubos ang oras.

Umiskor si Dragic ng 23 points at tumapos si Butler, makaraang gumawa ng  40 sa Game 1, na may 13 points para sa Miami.

Lumamang ang Heat ng hanggang 13 points sa first half, bago nakalapit ang  Milwaukee.

Nagdagdag si Tyler Herro ng  17 points mula sa bench para sa Miami, na kumana ng 17 3-pointers, mas marami ng 10 sa naitala ng Milwaukee.

Tumapos si Antetokounmpo na may 29 points at 14 rebounds, habang nag-ambag si Middleton ng 23 points at  8 assists para sa Bucks.

ROCKETS 104, THUNDER 102

Namayani  ang Houston Rockets kontra Oklahoma City Thunder sa Game 7 upang umabante sa semifinals ng  Western Conference playoffs.

Kinailangang malusutan ng Rockets ang maalab na pagpupunyagi ng Thunder, na nakakuha ng career game mula kay undrafted rookie Luguentz Dort at triple-double kay Chris Paul.

Nakopo nila ang panalo bagama’t nahirapan si dating Most Valuable Player James Harden sa opensa, kung saan tumipa lamang siya ng 17 points sa 4-of-15 shooting.

Makakasagupa ng Rockets ang top-seeded Los Angeles Lakers sa Western Conference semifinals.

Nakalikom sina Eric Gordon at Robert Covington ng tig-21 points, habang nagdagdag si Russell Westbrook ng 20 points at 9 rebounds para sa Houston.

Nagbuhos si Dort ng game-high 30 points, habang kumamada si Paul finished ng 19 points, 12 assists, at 11 rebounds, kung saan siya ang pinakamatandang player na nakakuha ng triple-double sa isang Game 7.

Comments are closed.