HEAT PINASO ANG KNICKS

heat vs knicks

NAGBUHOS si Bam Adebayo ng 24 points at kumalawit ng 11 rebounds upang pangunahan ang Miami Heat sa 109-103 panalo kontra New York Knicks.

Nagdagdag si Jimmy Butler ng 17 points at 10 rebounds habang nagtala sina Kendrick Nunn at Tyler Herro ng tig-16 para sa Heat na nailista ang ikalawang sunod na panalo.

Nakakolekta si Julius Randle  ng 26 puntos at 13 rebounds, habang nagdagdag si Reggie Bullock ng 23 puntos.

Samantala, balik sa Knicks si Derrick Rose buhat sa Detroit. Kapalit ni Rose sina Dennis Smith Jr. at ang second pick ng Deteroit.

JAZZ 103,

PACERS 95

Binitbit ni Donovan Mitchell ang Utah Jazz sa 103-95 panalo kontra Indiana Pacers noong Linggo (oras sa US).

Nakalikom  si Mitchell ng 27 puntos, 11 assists at 9 rebounds para pangunahan ang ika-15 panalo ng Jazz sa 16 na laro.

Umangat ang Jazz sa 19-5 record kahit pa nga muntik nang hindi makaporma ang beteranong si Mike Conley.

Nag-ambag si Bojan Bogdanovic ng 18 puntos para sa Utah habang 17 puntos naman ang kinamada ni Jordan Clarkson. at tumapos si Rudy Gobert na may 16 points at 16 rebounds.

Tumipa si Domantas Sabonis ng 20 points para sa Pacers na nailista ang kanilang ikaanim na pagkabigo.

HORNETS 119,

 WIZARDS  97

Tumipa ng kabuuang 26 puntos si Terry Rozier upang bigyan ng kumbinsidong panalo ang Charlotte Hornets laban sa Washington Wizards, 119-97.

Nag-ambag si Gordon Hayward ng 25 puntos habang kumamada si Lamelo Ball ng 19 puntos para sa Charlotte.

Si Bradley Beal lamang ang sinandalan ng Washington na may 31 puntos na naitala habang gumawa lamang si Russell Westbrook ng 12 puntos.

Sa iba pang laro,  binigo ng Phoenix Suns ang Boston Celitics, 100-91, at pinayuko ng Sacramento Kings ang LA Clippers, 113-110.

Comments are closed.