KUMANA si Jimmy Butler ng 40-point triple-double upang pangunahan ang Miami Heat sa 115-104 panalo laban sa Los Angeles Lakers at buhayin ang sisinghap-singhap na kampanya sa NBA Finals noong Linggo (US time).
Rumesbak ang under-manned, under-sized, underdog Heat sa Western Conference champions sa quarantine bubble ng NBA sa Orlando, at tinapyas ang deficit sa best-of-seven championship series sa 2-1.
Nakatakda ang Game 4 sa Martes (US time).
“I think we realized that we belong,” pahayag ni Butler. “They can be beat, as long as we do what we’re supposed to do.”
Umiskor si Butler ng 40 points, kumalawit ng 11 rebounds at nagbigay ng 13 assists upang pagbidahan ang Heat team na hindi nakasama sina injured Bam Adebayo at Goran Dragic sa ikalawang sunod na laro.
Ang injuries nina Adebayo at Dragic ay malaking dagok sa kampanya ng Eastern Conference fifth-seeded Heat na masikwat ang titulo, subalit sa pangunguna ni Butler, ang Heat ay walang planong sumuko.
Pinangunahan ni superstar LeBron James ang Lakers na may 25 points, 10 rebounds at 8 assists.
Hindi naman naging madali ang gabi para Anthony Davis, na maagang nalagay sa foul trouble at tumapos na mayroon lamang 15 points at limang rebounds.
Isang 8-0 scoring run, tampok ang driving layup ni Rajon Rondo, ang nagbigay sa Lakers ng 91-89 kalamangan, may 8:56 ang nalalabi sa laro.
Sumagot ang Heat ng sarili nilang 8-0 run, na sinindihan ng fadeaway jumper ni Butler.
Makaraang tawagan ng traveling si James, lumusot si Butler sa depensa ng Lakers at pinasahan si Kelly Olynyk sa perimeter para sa isang three-pointer.
“They continued to make shots,” ani James. “We had some turnovers, we didn’t make shots. They came out and executed after we took the lead.
“Jimmy had his hand in all those plays, pretty much,” dagdag ni James, na tinawag si Butler na ‘phenomenal’.
“He did everything that they needed him to do tonight and he came through big-time in a big-time game,” sabi pa ni James.
Nagdagdag si Butler ng dalawang blocks at dalawang steals, at matagumpay rin niyang nadepensahan siJames, subalit sinabing hindi mahalaga ang individual numbers sa pagkakataong ito.
“I don’t care about the triple-double, I don’t care about none of that, I really don’t. I want to win. We did that, I’m happy with the outcome.”
Nagdagdag sina rookie sensation Tyler Herro at reserve Kendrick Nunn ng tig- 17 points para sa Heat. Gumawa si Duncan Robinson ng 13 points at nag-ambag si Jae Crowder ng 12 para sa Miami.
Comments are closed.