TUMABO si Goran Dragic ng 29 points, at umiskor si Jimmy Butler ng key baskets sa regulation at overtime nang maungusan ng Miami Heat ang Boston Celtics, 117-114, sa Game 1 ng Eastern Conference finals noong Martes (US time).
Naging tahimik si Butler, na tumapos na may 20 points, bago ang crunch time sa fourth quarter, kung saan naisalpak niya ang corner 3-pointer na naging tuntungan ng Heat upang ipuwersa ang overtime.
Sa extension ay nakumpleto niya ang isang 3-point play, may 12 segundo ang nalalabi mula sa foul ni Jayson Tatum upang bigyan ang Miami ng 116-114 kalamangan bago sinelyuhan ni Bam Adebayo ang panalo sa pamamagitan ng pagsupalpal kay Tatum sa sumunod na play
Nagbuhos si Tatum ng game-high 30 points para sa Boston, na may mga pagkakataon na itakas ang panalo, subalit laging may sagot ang Miami.
Kinuha ng Celtics ang 105-100 lead sa basket ni Kemba Walker, bago ang tig-isang triple nina Tyler Herro at Butler na nagbigay sa Miami ng106-105 bentahe, may 22 segundo sa orasan.
Isang free throw ni Tatum ang nagtabla sa laro at ang pagmintis niya sa 3-point area sa dying seconds ang naghatid sa laro sa overtime.
Na-outscore ng Miami ang Boston, 35-23, sa fourth, makaraang maghabol sa 85-71 sa isang pagkakataon sa quarter.
Sa extension, bumanat ang Heat ng 7-0 run, tampok ang isang dunk ni Adebayo dunk na nagbalik sa kanila sa trangko, 113-110, may 2 minuto ang nalalabi.
Nakakolekta si Jae Crowder ng 22 points, kasama ang limang 3-pointers para sa Miami, na naipasok ang 16 sa 36 attempts mula sa 3-point territory (44.4%).
Nag-ambag si Marcus Smart ng 26 points at anim na 3-pointers, habang gumawa si backup point guard Brad Wanamaker ng11 points, 5 assists at 6 steals para sa Boston, na na-outscore sa paint, 48-26.
Nakatakda ang Game 2 ng best-of-seven series sa Huwebes (US time).
NUGGETS 104,
CLIPPERS 89
Kumamada si Jamal Murray ng 40 points, at nakumpleto ng Denver Nuggets ang stunning comeback sa Western Conference semifinals sa pamamagitan ng104-89 panalo laban sa Los Angeles Clippers sa Game 7.
Ang third-seeded Nuggets ay naging unang NBA team na nakahabol mula sa 3-1 deficits ng dalawang beses sa parehong postseason. Tinalo nila ang Utah Jazz sa first round. Makakabangga ng Denver ang top-seeded Los Angeles Lakers sa Western Conference finals simula sa Biyernes (US time).
Naipasok ni Murray, na nagbigay rin ng assists, ang 15 sa 26 shots, kabilang ang 6 of 13 mula sa 3-point range. Tumipa si Nikola Jokic ng 16 points, 22 rebounds at 13 assists para sa Denver, at nag-ambag sina Jerami Grant at Gary Harris ng tig-14 points.
Kumabig si Montrezl Harrell ng 20 points para sa second-seeded Clippers, na hindi pa umaabot sa Western Conference finals sa franchise history.
Gumawa lamang si Kawhi Leonard ng 14 points, umiskor si Patrick Beverley ng 11 at tumapos si Paul George na may 10. Si Leonard ay kumonekta ng 6 of 22 shots habang si George ay 4 of 16 mula sa floor.
Comments are closed.