HEAT SA GAME 1; WARRIORS SINIBAK ANG KINGS

TUMIRADA si Jimmy Butler ng 25 points at 11 rebounds upang pangunahan ang bisitang Miami Heat sa 108-101 panalo kontra New York Knicks sa Game 1 ng kanilang Eastern Conference semifinal series nitong Linggo.

Makaraang umiskor ng 42 points upang tulungan ang eighth-seeded Heat na makahabol mula sa 16 deficit para tapusin ang Milwaukee sa Game 5 noong Miyerkoles, si Butler ay 8 of 16 mula sa floor at 9 of 11 mula sa foul line sa loob ng 44 minuto. May 5:05 ang nalalabi at abante ang Miami sa 95-92, bumagsak si Butler sa sahig makaraang ma-foul ni Josh Hart.

Iika-ika na nagtungo sa bench si Butler at maingat na bumalik bago isinalpak ang dalawang free throws.

Pagkatapos ay ipinasok ni Kyle Lowry ang isang baseline jumper para sa 104-94 kalamangan ng Heat, may 2:53ang nalalabi.

Ibinuslo ni Gabe Vincent ang lima sa 133-pointers ng Miami at nagdagdag ng 20 points. Nag-ambag si Lowry ng 18 points at 6 assists mula sa bench, habang kumubra si Bam Adebayo ng 16 points at 8 boards para sa Miami na bumuslo ng 42.4 percent.

Nakatakda ang Game 2 sa Martes ng gabi sa New York.

Nanguna si RJ Barrett sa lahat ng scorers na may 26 points habang nagdagdag ng 9 rebounds at 7 assists, subalit nalimitahan ang Knicks sa 40 points sa huling 22-plus minutes at nasayang ang 12-point lead sa kalagitnaan ng second quarter.

Tumabo si Jalen Brunson ng 25 points at tumapos si Obi Toppin na may 18 at bumuslo ang Knicks ng 47.7 percent at nagmintis sa 27 sa 34 3-point attempts.

Warriors 120, Kings 100

Kumana si Stephen Curry ng Game 7 scoring record na 50 points at napanatiling buhay ng Golden State Warriors ang kanilang championship-repeat dreams sa 120-100 road win kontra Sacramento Kings.

Sa bisa ng kanilang 19th consecutive playoff-series triumph laban sa Western Conference competition, ang sixth-seeded Warriors ay hindi lamang nagkaroon ng karapatang harapin ang Lakers sa second round, kundi may home-court advantage din sa best-of-seven. Magsisimula ang series sa Martes sa San Francisco.

Ang third-seeded Kings, nasa kanilang unang postseason appearance sa loob ng 17 taon, ay may home-court edge kontra Warriors, ngunit nagwagi ang Golden State sa Games 5 at 7 sa Sacramento matapos ang dalawang naunang home victories para umabante.

Sumandal sa 16 points ni Domantas Sabonis, ang Sacramento ay lumamang sa 58-56 sa halftime bago inilabas ng Golden State ang kanilang championship form sa huling 24 minuto.

Nagsimula ito sa 35-23 third-quarter edge na sinindihan ng 14 points ni Curry at ng 9 ni Klay Thompson’s nine. Sinamahan din ito ng 22-9 advantage sa rebounds sa naturang period.

Tumapos si Andrew Wiggins na may 17points. Umiskor si Thompson ng 16 sa 4-for-19 shooting effort, at nagdagdag si Kevon Looney ng 11 points at 21 rebounds para sa Warriors.

Nag-ambag si Draymond Green ng 8 points, 6 rebounds, 2 steals at game-high eight assists.