HEAT SA PLAYOFFS

heat vs celtics

NAKOPO ng Miami Heat ang isang puwesto sa playoffs sa ika-4 na pagkakataon sa nakalipas na anim na seasons nang pataubin ang host Boston Celtics, 129-121, noong Martes ng gabi.

Nagwagi ang Miami (38-31) sa Boston sa ikalawang sunod na laro para ilagay ang Celtics (35-34) sa NBA’s play-in tournament. Ang Miami ay may tatlong laro ang abante at tangan ang head-to-head tiebreaker sa Celtics kung saan kapwa sila may tatlong laro na nalalabi.

Tumabla ang Heat, tinalo ang Celtics sa 2020 Eastern Conference finals, sa  Atlanta para sa ika-5 puwesto sa Eastern Conference. Tangan ng Hawks (38-31) ang head-to-head tiebreaker sa Miami.

Nanguna sa Tyler Herro para sa Heat, na bumuslo ng 59.3 percent mula sa field, na may 24 points at 11 rebounds. Umiskor sina Duncan Robinson at Bam Adebayo ng tig-22. Nag-ambag sina Kendrick Nunn ng 18 points at Goran Dragic ng 17.

Naglaro ang Miami na wala si Jimmy Butler (team-high 26 sa panalo noong Linggo) sa second half makaraang aksiden-teng masundot ang mata nang bumangga kay Smart bago ang halftime.

Tumapos si Butler na may 13 points sa 18 minutong paglalaro.

WARRIORS 122,

SUNS 116

Isinalpak nina Andrew Wiggins, Juan Toscano-Anderson at Jordan Poole ang magkasunod na 3-pointers sa huling 2:58 upang pangunahan ang Golden State Warriors sa 122-116 panalo kontra bisitang Phoenix Suns.

Nagpasabog si Wiggins ng game-high 38 points at nakumpleto ng Warriors (37-33) ang two-night sweep sa top two teams sa Western Conference upang manatiling kalahating laro ang angat sa Memphis sa kanilang duelo para sa ika-8 puwesto sa  play-in tournament sa West.

Nagbuhos si Devin Booker ng team-high 34 points para sa Suns (48-21), na bumagsak ng dalawang laro sa likod ng wa-lang larong Utah sa ibabaw ng West, may tatlong games na lamang ang nalalabi.

Sa iba pang laro, umiskor si Terence Davis ng 27 points mula sa bench upang pangunahan ang Sacramento Kings sa 122-106 home win laban sa Oklahoma City Thunder.

Isinalpak ni Talen Horton-Tucker ang decisive 3-pointer, may 20.3 segundo ang nalalabi sa  overtime, upang pangunahan ang  Los Angeles Lakers sa 101-99 panalo kontra bisitang New York Knicks.

Nagsalansan si Giannis Antetokounmpo ng 27 points, 12 rebounds, 5 assists at 3 steals upang pagbidahan ang Milwau-kee Bucks sa 114-102 panalo laban sa bisitang Orlando Magic.

Nagtala si Ja Morant ng 24 points, 8 assists at 7 rebounds nang durugin ng  host Memphis Grizzlies ang Dallas Mavericks, 133-104.

Tumirada si Kevin Durant ng 21 points at 8 assists upang pangunahan ang walong players sa double figures nang gapiin ng Brooklyn Nets ang Chicago Bulls, 115-107.

Samantala, kumamada si Caris LeVert ng 24 points at nagposte si Domantas Sabonis ng triple-double na may 16 points, 15 assists at 13 rebounds upang pangunahan ang host Indiana Pacers sa 103-94 comeback win laban sa Philadelphia 76ers.

8 thoughts on “HEAT SA PLAYOFFS”

  1. 507336 529957Considerably, the story is in reality the greatest on this noteworthy topic. I agree together with your conclusions and will eagerly watch forward to your next updates. Saying nice one will not just be sufficient, for the wonderful clarity in your writing. I will immediately grab your rss feed to stay privy of any updates! 253520

  2. 206165 675151Oh my goodness! an incredible write-up dude. Thank you Nonetheless Im experiencing challenge with ur rss . Don know why Unable to subscribe to it. Is there anyone finding comparable rss drawback? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 702589

Comments are closed.