SINAGOT ni Heaven Peralejo, ang akusasyon sa kanyang gold digger.
Sa vlog ng Kapamilya actress titled: “Reacting to some of your INTRIGUING ASSUMPTIONS ABOUT ME! (Ft. Mom and Bestie),” tuwiran niyang sinagot ang lahat ng katanungan.
Tulad ng relasyon nila ng anak nina Jinkee at Manny Pacquiao na si Jimuel. Tinanong din siya kung magkano ang natatanggap niyang pera mula sa Pacquiao family.
“How much money have you gotten from the Pacquiao’s so far?” sagot ni Heaven, “500… Hindi ko ma-compute kasi parang, actually parang, ‘di ko ma-compute.
“Mga grocery. Okay, hindi ko alam kung san nanggagaling ‘yung rumors and everything, I mean I don’t get money from him. Okay, I have work, hindi ko naman siya tatay para hingan ng pera.”
Sinabihan pang gold digger ang former PBB housemate.
Eksplika ni Heaven, “No. Hindi ko alam pano nakuha ‘yung assumption na ‘yun. Maybe because sa ex ko.”
Dahil sa sagot ng Kapamilya actress, umani siya ng negatibong komento mula sa social media.
“See, wala talagang nagtatagal sa ‘yo Heaven. Buti naman maaga pa na-realize agad ni Jimuel hahaha.”
“Sayang, hiwalay na kayo wala nang groceries.”
Ayon pa sa netizens, mabait umanong bata ang anak nina Manny na mabuti na lang daw ay hindi nagtagal ang dalawa.
“Napakabait na bata ni Jim para mapunta lang sa ‘yo buti nalang hindi kayo nagtagal hindi talaga boto pamilya niya sayo dahil sa ugali mo.”
May nagpayo naman kay Heaven na manahimik na lang nang sa ganu’n ay hindi siya madehado sa break-up nila ni Jimuel.
ANGEL LOCSIN ‘MOST ADMIRED’ FILIPINO WOMAN 2019
LUBOS ang pasasalamat ni Angel Locsin sa data company YouGov dahil siya ang nahirang na ‘most admired’ Filipino woman for 2019.
Ayon sa data company na YouGov, ang survey na conducted online ay lahat dumadaan sa kanila.
Lumabas sa latest survey ng global public opinion at data company na nakakuha si Angel ng 11.14 percent admiration score as indicated in their website kung saan ang Kapamilya actress ang top.
Sumunod kay Angel ay sina Anne Curtis, Angelina Jolie, Gal Gadot, Emma Watson, Queen Elizabeth II, Oprah Winfrey, Taylor Swift, Ellen Degeneres at Marian Rivera.
Tweet ni Angel sa kanyang socmed, “Hindi po ako naniniwala…pero kung totoo man, maraming salamat po.”
Ang YouGov ay isang British international Internet-based market research at data analytics firm, headquartered in the UK, with operations in Europe, North America, the Middle East and Asia-Pacific.
Ayon sa company, lahat ng surveys ay conducted online.
PAGPASOK NI BEA SA ‘KADENANG GINTO’ TRENDING
HANGGANG ngayon, marami ang nagre-request na bigyan ng ABS-CBN ng special role si Bea Alonzo sa ‘Kadenang Ginto.’
Trending kasi ang pag-appear ng actress last week sa nasabing afternoon teleserye ng Kapamilya Network.
Tuloy ang akala ng avid viewers ng KG ay ipapasok sa eksena si Bea nang sumulpot siya at nakabanggaan si Daniela Mondragon (Dimples Romana).
Ayon kay Dimples, dinalaw lang daw siya sa set ng KG at biniro niya itong mag-cameo siya sa kanilang teleserye.
Hindi naman nag-inarte si Bea at agad na pumayag.
Ang ganda ng eksena ng dalawa na habang naglalakad si Daniela ay mababangga siya ni Bea.
Humingi ng sorry ang actress, sa mataray na si Daniela.
Pinasalamatan ni Dimples si Bea, “Thank you Be. One the most genuine and humble friends I have. Bea came to visit me sa set because she knew I was missing her and when she was teased if she can do a cameo na mababangga si #OhDani she happily said yes. I really have the coolest friends. I love you Bea.”
ALEX AT MELAI SHOCKED SA PRESYO NG MGA PAGKAIN SA MAKATI RESTO
KASAMA ni Alex Gonzaga si Melai Cantiveros sa vlog ng una na may title na “Sosyal Hangout by Alex Gonzaga.”
Inimbitahan ni Alex si Melai na ipinagmamalaki niyang BFF para i-treat kumain sa isang restaurant.
Pinanood ng inyong lingkod ang vlog ni Alex.
Ang eksena ay nagkita ang dalawa sa isang place na if we’re not mistaken ay sa Makati.
Sosyal ang pagbabatian nina Melai at Alex nang magkita. Sabi ni Alex kay Melai kailangan daw ay mag-Englishan dahil sosyal daw ang lugar.
Habang nasa mall na ang dalawa ay talagang mag-e-enjoy kang panoorin sila dahil ang husay sumakay ni Melai sa mga adlib ni Alex.
To cut the story short, nasa isang luxurious resto na ang dalawa at nag-order na ng food.
Habang kumakain ay nagkukuwentuhan ang dalawa.
Ani Melai may promise daw sa kanya si Alex para sa anak niyang si Mela.
Sagot naman ni Alex, “kapag kinasal kami ni Mikee, si Melai naman ang gagastos sa reception.”
Heto nang hiningi na ang bill ng kanilang kinain, parehong shocked ang dalawa dahil sa laki ng bill nila sa isang sosyal na resto.
Isa-isa nilang tsinek ang price ng kanilang inorder.
Ani Melai, hindi na raw siya oorder ng fruit juice kasi ang halaga ay P250. Ang isang fish na inorder nila ay worth P3,700.
Parehong nanlaki ang mata ng hosts ng Pinoy Big Brother.
Nang lumabas sa restaurant ang sosyalerang friendship ay lulugo-lugo na dahil butas na raw ang kanilang mga pitaka.
“Sobrang laughtrip talaga kapag pinagsama si Alex at Melai. More videos with Melai pa.”
Comments are closed.